FROST BYTE

TONY DELA CRUZ, THE PLAYER, THE PHILANTROPIST

SHARES:

10:24 PM February 21st, 2013

Recommended
By: SNOW BADUA, February 21st, 2013 10:24 PM

Alam niyo ba na bahagi ng kinikita ni Alaska Aces star Tony Dela Cruz ay napupunta sa charity?

Taliwas sa kaalaman ng marami, mismong si De la Cruz pa ang malimit na mag-abot ng personal ng kanyang tseke sa Philippine Children’s Medical Center sa Quezon City.

“It’s so hard to see kids like that. Knowing that there are kids suffering like that and worse, they can’t even afford proper medicine,” ayon sa soft-spoken cager, na nag-umpisang tumulong sa PCMC matapos maging bahagi ng PBA Valentine party noong isang taon.

Higit pa sa kanyang pagbibigay ng monetary donation, hinihimok na rin ni De la Cruz ang kanyang mga kapwa players na tumulong.

At tila nag-snowball ang kagandahang loob ng Alaska forward.

Nagsimula na ring mag-abot ng ayuda sa batang may cancer sa PCMC ang iba pang PBA stars tulad nila Gabe Norwood, Joe Devance, Nic Belasco, Brandon Cablay.

Maging ang mga spouses o asawa ng mga manlalaro ay nakikiisa na rin sa ginintuang hakbangin.

“It’s not just monetary support that we’re giving the children. My fellow players are also open to share their time to mingle and interact with the kids,” kwento ni De la Cruz na nagsabing regular na ring magpapadala ng laruan at damit ang kanilang grupo.

Samantala, sa darating na Martes ng umaga ay hindi lamang ang hanay ni Dela Cruz ang magpapaabot ng gabay.

Gaya ng dati, muling magbibigay ng saya sa mga may sakit na kabataan ang liga sa pamamagitan ng isang special screening ng pelikulang “Under the Sea.”

Tinatayang nasa 200 patients ang dadalhin ng PBA sa Imax Theater ng SM North Edsa sa Martes ng umaga upang bigyan ng saya.

Tiyak na magkakaroon ng kakaibang viewing experience ang mga bata dahil makakasama nila ang kanilang mga paboritong PBA cagers sa panonood.

Sa ulat sa Frost Byte ni Miss Rhose Montreal, director of Business Development ng PBAPI! brainchild ni Commissioner Chito Salud ang nasabing programa.

“Matagal na naming benefactor ang Cancer and Hematology center ng PCMC ang PBA,” wika ni Montreal.

“This is our way of giving back to the public the love and support they have showered the league,” dagdag pa niya.

“Kita mo naman how the league has been breaking records sa viewership at gate receipts.”

Hindi bababa sa tiglilimang players ang dadalo sa event na ito na isa sa mga ipinagmamalaking corporate social responsibility ng Asia’s 1st play for pay league.

“Not just their presence, the players have also learned to support this project by the PBA.. even by themselves,” giit ni Montreal na natutuwa at nagpapatuloy ang pagpapakita ng magandang kalooban ng mga players at opisyal ng liga.

Disclaimer: Comments do not represent the views of INQUIRER.net. We reserve the right to exclude comments which are inconsistent with our editorial standards. FULL DISCLAIMER

TAGS:
For feedback, complaints, or inquiries, contact us.