Quantcast

NASA PUSO ANG BASKETBALL AT PBA

By

Alam niyo ba na parehong avid fans ng basketball ang dalawang tanyag na may-ari ng Rain or Shine Elasto Painters na sina Terry Que at Raymund Yu?

Sa kanyang edad na sisenta y dos, tatlong beses isang lingo pa ring naglalaro ng basketball si Ginoong Que.

“Bata pa lang ako talagang basketball na ang hilig ko,” ayon kay Que, na malimit kalaro ng business partner na si Yu sa kanilang afternoon games.

“I play regularly, may grupo na kami eh,” susog ni Yu, na ang batang anak na si Ryan ay high school star player ng Xavier sa Philippine Athletic Youth Association o PAYA.

At dahil sila ay kapwa basketball fans, hindi naging mahirap para kina Yu at Que ang magtatag ng basketball team.

Matapos ang anim na kampyeonato sa amateur league na PBL, umakyat sa PBA ang noo’y Welcoat Dragons.

Walang duda, isa ngayon ang Rain or Shine Elasto Painters sa mga sinusubaybayan ng fans, dahilan upang tumanaw ng malaking utang na loob sa PBA ang kumpanya dahil sa popularidad ng kanilang produkto.

Ayon sa dalawang may-ari ng Asian Coatings franchise, iba ang naibibigay sa kanila ng pagiging bahagi ng Asia’s first play for pay league.

Mas naniniwala si Yu sa marketing value ng PBA kaysa sa magbayad ng commercial spots sa radio at telebisyon.

“Pag sa PBA kasi, nag-e-enjoy na kami (sa pag cheer sa team), may exposure pa,” wika ng youthful businessman. “Saka ito parang hindi namin pansin na nag-a-advertise kami. Iba yung pakiramdam dahil kahit papano may fanbase na rin kami.”

Walang duda na isa sa mga humahakot ng mga supporters ngayon ang Elasto Painters lalo’t unti-unti itong nagpapamalas ng winning tradition sa liga.

Matapos na pagharian ang nakalipas na Governors’ Cup, hangad ngayon ng Rain or Shine na bumalik sa Finals sa ikatlong sunod na pagkakataon.

Sa ngayon ay wala pa sa isip ng koponan ang pagpasok sa championship round dahil kakabukas pa lamang ng mid-season conference.

Pero ayon sa isa pang may-ari ng koponan na si Ginoong Que, mapanatili lamang ng koponan ang kanilang healthy line-up at focus sa sistema ni coach Yeng Guiao ay kaya nilang ipagpatuloy ang magandang kampanya.

“Bahala si coach Yeng dyan. Sa kanya namin pinagkatiwala ang team namin,” hirit ni Que, na may-ari din ng Binalot Restaurant sa Makati.

“Hangga’t andito kami, hindi kami titigil sa pagsuporta sa team namin sa PBA. Parang buhay na namin ito,” pagsasara ni Que.

Follow Us


Other Stories:

Recent Stories:

Complete stories on our Digital Edition newsstand for tablets, netbooks and mobile phones; 14-issue free trial. About to step out? Get breaking alerts on your mobile.phone. Text ON INQ BREAKING to 4467, for Globe, Smart and Sun subscribers in the Philippines.


Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of INQUIRER.net. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Copyright © PBA

To subscribe to the Philippine Daily Inquirer newspaper in the Philippines, call +63 2 896-6000 for Metro Manila and Metro Cebu or email your subscription request here.

Factual errors? Contact the Philippine Daily Inquirer's day desk. Believe this article violates journalistic ethics? Contact the Inquirer's Reader's Advocate. Or write The Readers' Advocate: c/o Philippine Daily Inquirer Chino Roces Avenue corner Yague and Mascardo Streets, Makati City, Metro Manila, Philippines Or fax nos. +63 2 8974793 to 94