PBA Fan Blog: A forever Ginebra fan, through thick and thin
Are you a big PBA fan? Want to express how passionate you are for your favorite team or player? Write about it and you might just get your work published on PBA.ph! Send us your blog entries (MAXIMUM 900 words) along with a photo of support to: [email protected]. Best entries will be appear on PBA.ph and PBA’s social media accounts.
I’m Leriza Bandin, 33 years old, from Dubai, U.A.E.
2000. Yan ang year ng sumibol ang pamatay na tandem ng fast and furious. Actually, bata pa lang ako nanonood na ako ng basketball dahil sa namayapa kong ama. Lahat ng team pinapanood ko. I had no choice, gustuhin ko man manood ng cartoons kaya lang isa lang ang tv. So ang ending, nakatanghod ako mula 1st-4th quarter, 1st and 2nd game ng PBA. Pero nabuhay ang dugo ko mula ng masilayan ang galing ni “The Fast.” At mas lalo ako ginanahan lalo na ng dumating si “The Furious.” Iba talaga ang charisma nilang dalawa. Kahit ilan sigurong player ang sumikat hinding hindi sila mapapantayan
Working student ako nun kaya may spare akong pera para makanood ng live game sa Araneta, syempre yung pinakababa pinili ko. Kung pwede nga lang sa likod ng mga players. Sinubukan ko, pero hindi lang talaga pwede dahil for relatives and friends daw yun ng players. Grabe ang excitement ko nun at sobra din ang kilig at tuwa kasi first time ko makita up close and personal si Jayjay Helterbrand. Crush na crush ko sya, actually minahal ko sya. Until now, kahit tumanda na ako, yung paghanga ko naging isang malaking RESPETO para sa kanya and for the team.
Hindi dun natapos yung pagsubaybay ko sa Ginebra. Pag may chance nanonood ako ng live. Pag walang work nanonood ako lahat ng laban ng Ginebra. Lalo na nung nagpunta sila ng Dubai. First time ko nagkaroon ng selfie sa kanila… sa kanilang lahat pa! Pati nga sa anak ko naipamana ko na yung paghanga sa Ginebra. Malungkot din kasi yun pag talo, pag panalo naman nagse-celebrate talaga kami. Take note, hindi pa championship yun. Nasa dugo ko na yung paghanga at respeto.
Siguro sa death bed ko, never ko maaalala yung magagandang lugar na napuntahan ko, or yung mga bahay at kotseng naipundar ko. Kundi yung saya at pag-asa na binigay sa akin ng favorite team ko. Yung “never say die,” yan ang drive ko para magpatuloy na lumaban sa buhay. Kahit anong problema kakayanin basta nandiyan sila (Ginebra).
At kahit ilang generation pa ang dumating. Ilang eliminations pa ang hindi nila maipanalo, kahit mag-retire na si Greg Slaughter na bago kong hinahangaan, nandito pa rin ako at mamahalin pa rin sila. Kaya sa mga nagsasabi na walag forever… well, you’re so wrong. May forever sa mundo nating puro luha at pasakit…. Pangalawa kay God at sa pamilya ko… Ginebra ang aking forever. 😊
Subscribe to INQUIRER PLUS to get access to The Philippine Daily Inquirer & other 70+ titles, share up to 5 gadgets, listen to the news, download as early as 4am & share articles on social media. Call 896 6000.