GUNIGAN: PAMBATONG IMPORT NG AIR21

SHARES:

08:15 PM January 20th, 2013

Recommended
January 20th, 2013 08:15 PM

Umaasa ang Air21 Express na magpapatuloy ang kanilang pag-angat ngayong 2012-13 season ng PBA.

Galing sa isang breakthrough quarterfinals appearance sa nakaraang Philippine Cup, buo ang kumpiyansa ni head coach Franz Pumaren na ang kanilang reinforcement na si Michael Dunigan ang magiging susi sa kanilang ambisyong higitan pa ang performance nila sa nakaraang conference.

Isa kasi ang kakulangan sa isang threat sa ilalim ang kulang ng Express nitong mga nakalipas na kumperensya.

Bagama’t nasa team na nila ang mga big men na sina Noy Baclao at Mark Isip, maitituring pa rin aniyang mga undersized ito sa pwesto.

Ang dating Memphis Grizzlies at 6-10 signee na si Dunigan ay dumating na sa bansa nuong January 18.

Pero sa kanya pa lamang ilang araw na pagsama sa practice ng Express, marami na itong napahangang kakampi.

Isa na rito si ace gunner John Wilson na ikinuwento kung paano lumaro sa poste si Dunigan.

“Hanep pumoste, pag pihit niya dunk agad. Ang lakas ng katawan.”, tumatawang kwento ni Wilson “May shooting din, pero iba yung back down, back down, kasi dakdak agad.”

Hindi rin ikinubli ng good-looking shooting guard mula JRU ang wide bodied physique ng kanilang reinforcement na tinawag ni Wilson na taller version ng dating import ng Ginebra na si Nate Brumfield.

“Parang ganun yung katawan niya, matangkad lang saka ang lapad talaga parang Frigidaire”, tumatawang tugon ni Wilson, na dating naglaro para sa Kings.

Ang 2013 Commissioner’s Cup ay bubuksan sa ika-walo ng Pebrero, kung saan walang limit ang height ng mga imports ng bawat koponan.

Sa ngayon ay unti-unti nang nagsisimulang mag-court drills ang Express dahil nitong mga nakalipas na linggo, simula nuong January 3, ay nag focus sila sa conditioning kasama si American strength coach nilang si Dan Rose.

May scheduled tune-up game ang Express kontra sa Barako Bull Energy Cola sa Huwebes sa Gatorade Hoops Center sa Shaw Boulevard kung saan masusubukan agad si Gunigan. (SBadua)

Disclaimer: Comments do not represent the views of INQUIRER.net. We reserve the right to exclude comments which are inconsistent with our editorial standards. FULL DISCLAIMER

TAGS:
For feedback, complaints, or inquiries, contact us.
pba