ESPINAS, ABUEVA SA PAGLALARO SA IBANG LIGA AT ANG TUGON NI COMM. SALUD

SHARES:

01:12 PM January 23rd, 2013

Recommended
January 23rd, 2013 01:12 PM

Sumulat si Gabby Espinas ng Alaska Aces kay PBA Commissioner Chito Salud tungkol sa kanyang paglalaro sa isang liga sa Bulacan. Ang sumusunod ay ang nilalaman ng kanyang liham:

“Humihingi po ako ng paumanhin sa aking paglalaro sa isang liga sa Sta. Maria, Bulacan. Inimbitahan po ako ni Calvin Abueva na maglaro at magbigay kasiyahan sa mga tao doon. At dahil off-season, at siya’y aking teammate, napagpasyahan ko po na siya’y pagbigyan.

“Gayunpaman, ako po ay humihingi ng tawad sa inyo sat sa buong PBA organization at ipinapangako na hindi na po mauulit ang ganitong pangyayari. Salamat po.”

Si Calvin Abueva na teammate ni Espinas sa Alaska Aces ay nagbigay din ng kanyang liham, na ang nilalaman ay:

“Humihingi po ako ng paumanhin sa aking paglalaro sa isang liga sa Sta. Maria, Bulacan. Mayroon po akong pinsan doon, na siyang nag-anyaya sa akin upang maglaro bilang guest player at magbigay ng kasiyahan sa mga tao. Sa aking pagkakaalam pwede pong maglaro sa maliliit na liga pag off-season. Ngunit ngayon po ay alam ko na, na hindi pwede, at pinapangako ko po na hindi na mauulit ang ganitong
pangyayari.

“Salamat po.”

At ang tugon naman ni Comm. Salud:

“Ipinapaalala lamang po sa lahat ng ating mga manlalaro sa PBA na kailangan nilang humingi ng permiso sa kanilang mga mother teams kung sila ay may paanyayang maglaro sa mga liga sa labas ng PBA habang off-season.

“Ito ay maliwanag na nakasaad sa kanilang mga kontrata. Ang pangunahing layunin nito ay mapangalagaan ang ating mga manlalaro sa mga injuries na pihong makakadanyos di lamang sa kanilang mga mother ballclubs kundi sa buong liga.

“Hindi po pinagbabawalan ang ating mga manlalaro na lumingon sa kanilang mga pinanggalingan lalo na’t tumanaw ng utang na loob o magpakita ng pakikisama. Ang kailangan lamang po ay magpaalam sa kanilang mga mother teams dahil sila ay mga professional players na may responsibilidad sa liga at sa kanilang mga fans.”

Disclaimer: Comments do not represent the views of INQUIRER.net. We reserve the right to exclude comments which are inconsistent with our editorial standards. FULL DISCLAIMER

TAGS:
For feedback, complaints, or inquiries, contact us.