TUBID TAOS-PUSO ANG PASASALAMAT SA BARAKO BULL
Aminado si Ronald Tubid na isa sa pinakamapanubok na yugto ng kanyang karir ay ang paglalaro sa Barako Bull Energy Cola.
Ayon 29-year-old former UE Red Warrior, sa uniporme ng Barako Bull tunay na nabigyan siya ng break sa playing time.
“Hindi ko rin makakalimutan ang experience ko sa Barako. Madami akong natutunan dun,” wika ni Tubid habang sinasariwa ang kanyang mahigit isang taong stint sa Energy Cola.
Dito rin aniya nasagad ang kanyang kakayahan bilang scorer.
Ang Oton, Iloilo native ay dating kilala sa kanyang pagiging hard-nosed defender at energy guy.
Subalit sa kanyang paglalaro para sa George Chua franchise ay naging isa sa mga go-to-guys at clutch players si Tubid.
Pero ang higit na nagustuhan ni Tubid sa bakuran ng Barako ay ang samahan ng players at pakikitungo ng mga may-ari at pamunuan ng team.
“Nagpapasalamat talaga ako sa Barako Bull kasi naging parte sila ng buhay ko. Kasi pamilya talaga ang naging trato sa akin (ng management),” dagdag ni Tubid.
Ang streak shooting guard/forward na si Tubid ay naging sentro ng makasaysayang 5-team, 10-player swap nitong Martes, na naghatid sa kanya sa Petron Blaze Boosters.
Sa ngayon nangangako ang 5-time PBA All Star na gagampanan niya ang anumang role na ibibigay sa kanya ng coaching staff ng star-studded Blaze Boosters. (SBadua)
Subscribe to INQUIRER PLUS to get access to The Philippine Daily Inquirer & other 70+ titles, share up to 5 gadgets, listen to the news, download as early as 4am & share articles on social media. Call 896 6000.
