Close  

COACH CHOT HAPPY SA TULONG NG PBA SA GILAS PILIPINAS

09:26 PM February 04, 2013
*/?>

Todo papuri si Gilas Pilipinas Coach Chot Reyes ginagawang inisyatibo ng PBA Commissioner’s Office at ng Board of Governors patungkol sa pagtulong na mapalakas ang national team.

Nauna nang nagbigay ng go-signal ang liga sa pagpapahiram ng at least one player per team sa Philippine five na sasabak sa magaganap na FIBA Asia Championships, ang torneo na magbibigay ng tatlong ticket sa World Basketball Championships.

“I am very happy because the PBA is bending backwards, kasi talagang tumutulong yung liga, kaya hihintayin ko na lang pag official at final na yun bago ako magsalita,” wika ni Reyes.

FEATURED STORIES

Bagama’t nagbigay na kasi ng ayuda sa Gilas ang PBA sa pamamagitan ng pag-loan ng players, pinag-aaralan na ngayon ni Commissioner Chito Salud ang posibleng pagbabago ng schedule ng season-ending Governors’ Cup.

Ang approved third conference ay dikit na dikit sa FIBA Asia, kung saan kapag
inabot ng Game 7 ang Finals ay apat na araw na lamang ay bubuksan na sa August 1 ang FIBA Asia cagefest.

Sa ngayon ay inamin ni Reyes na hindi pa siya nagtatawag ng ensayo dahil nais muna niyang malaman ang magiging haba ng preparasyon ng national team.

“Kasi ayaw ko ring i-pre-empt yung Board, gumagalaw na nga sila. Hintayin muna natin yung announcement ng PBA tapos dun ko palang ilalabas lahat,” giit ng natatanging 5-time PBA Coach of the Year.

Maging ang line-up na gagamitin sa FIBA Asia joust ay ibabase ni Reyes sa magiging haba ng preparasyon, ito aniya ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa siya naglalabas ng official roster.

“Handa naman na yung programa pero kailangan ko munang makita kung 2 weeks, one month o dalawang buwan ko bang makakasama sa training camp yung mga players,” pagsasara ni Reyes. (SBadua)

Read Next
EDITORS' PICK
MOST READ
Don't miss out on the latest news and information.

Subscribe to INQUIRER PLUS to get access to The Philippine Daily Inquirer & other 70+ titles, share up to 5 gadgets, listen to the news, download as early as 4am & share articles on social media. Call 896 6000.

TAGS:
For feedback, complaints, or inquiries, contact us.

© Copyright 1997-2026 INQUIRER.net | All Rights Reserved