Close  

DAVID UMAASA NG MAS MAGANDANG SHOWING NG MGA BATANG PIER

07:09 AM February 05, 2013
*/?>

Labis ang katuwaan ni GlobalPort Batang Pier superstar Gary David sa ginawang pre-Commissioner’s Cup build-up ng kanilang team.

Sa panayam sa 3-time PBA Scoring Champion, bullish na umano siya ngayon sa magiging pagbaligtad ng kapalaran ng Batang Pier. Sa inaugural conference kasi ng Mikee Romero franchise ay isang masakit sa matang 1 win at 13 losses ang kanilang nailista.

Ang nag-iisang panalo kontra Meralco Bolts, nagawa pa ng GlobalPort nang nasa sideline si David sanhi ng leg injury.

FEATURED STORIES

“Natutuwa ako kasi nagpalakas na talaga kami,” sabi ni David na umaasang manunumbalik ang dating bangis ng kanilang prangkisa na tumutuntong sa Philippine Cup Finals noong isang taon.

At nang tanungin ng www.pba.ph si David sa kung siya ba ay nagnanais pang malipat ng koponan, mabilis nitong sumagot ng: “Hindi na. OK na ako sa team ko. Saka ambait ng pakikitungo sa akin ng management.”

Nitong nakalipas na Miyerkules ay na-acquire ng GlobalPort sina Solomon Mercado, Japeth Aguilar, Yousif Al-Jamal, rookies JP Belencion at Kelly Nabong mula sa Meralco at Talk n’ Text.

Bukod sa pagkuha sa mga bagong players, nagpalakas rin ng coaching staff ang GlobalPort sa pagkuha kay fiery mentor Junel Baculi.

“Panlaban na itong team naming,” dagdag ng 34-year-old Dinalupihan, Bataan native sabay hambing sa GlobalPort at dating prangkisa na Powerade Tigers.

“Yung Powerade namin dati, gutom sa karangalan. Itong GlobalPort ngayon may gustong patunayan,” pagsasara ng Gilas Pilipinas sniper.

Sa bubuksang import laden conference sa Biyernes, sasandal ang mga Batang Pier kay dating University of Wyoming stalwart Justin Williams. (SBadua)

Read Next
EDITORS' PICK
MOST READ
Don't miss out on the latest news and information.

Subscribe to INQUIRER PLUS to get access to The Philippine Daily Inquirer & other 70+ titles, share up to 5 gadgets, listen to the news, download as early as 4am & share articles on social media. Call 896 6000.

TAGS:
For feedback, complaints, or inquiries, contact us.

© Copyright 1997-2024 INQUIRER.net | All Rights Reserved