Thursday, November 15, 2018
Close  
  • share this

ALL-STAR GAME MALAMANG GAWING GILAS PILIPINAS VS PBA ALL-STARS

10:10 AM February 06, 2013

Para sa karangalan ng bansa, handang isakripisyo ng PBA maging ang magaganap na All Stars.

Nauna nang ibinigay ng liga ang maluwag na pagpapahiram ng players at maging ang pag-adjust sa schedule ng season-ending Governors’ Cup.

ADVERTISEMENT

Pero sa panayam ng Frost Byte kay Commissioner Chito Salud, ilan pang ayuda sa national team ang inihahanda ng Asia’s first play-for-pay league.

At mula sa dating “Rookies, Sophomores & Juniors vs. Veterans” format ng All Star Game, babaguhin na ito sa “Gilas Pilipinas vs. PBA Selection” set-up.

FEATURED STORIES

“Tingin ko maganda yun kasi mabibigyan agad ng training yung national team,” wika ni Salud habang ipinapaalala na maari nang mag-ensayo ang mga PBA stars matapos ang Commissioner’s Cup sa May 29.

Ang All Star Week ay magaganap sa Digos City sa May 1-6, kaya naman doble kayod na ang PBA sa pagrerepaso ng itinerary at programa nito.

Bukod pa rito, handa rin ang liga na magbukas ng pocket tournaments para sa Gilas katapat ang mga willing lumaro na PBA teams.

“Para maging active yung Gilas at hindi mawalan ng high level competition, pwede nating bigyan ng tune-up katapat ang mga ballclubs natin,” ani Salud. “At the same time, hindi masyadong mami-miss ng fans yung mga players… kasi mapapanood pa rin sila.”

Base sa inisyal na plano, maaring gawin ni Salud ang mga tune-up games sa mga mababakanteng schedule ng Governors’ Cup mula Mayo hanggang Hulyo.

“That will give our team more than 2 months of training,” dagdag pa ng abugadong kumisyunado.

Kasunod nito, nabigyan rin ng imbistasyon na lumaro ng tune-up dito sa bansa ang sikat na Chinese ballclub na Shanghai Sharks, na pupwedeng labanan ng Gilas Pilipinas sa May 6-8.

ADVERTISEMENT

Naghahanda na rin umano ang Samahang Basketbol ng Pilipinas ng isang Invitational sa first week of June na maaring lahukan ng iba pang FIBA Asia championship bound countries gaya ng Qatar, Lebanon at Jordan.

Read Next
Don't miss out on the latest news and information.
View comments

Subscribe to INQUIRER PLUS to get access to The Philippine Daily Inquirer & other 70+ titles, share up to 5 gadgets, listen to the news, download as early as 4am & share articles on social media. Call 896 6000.

TAGS:
For feedback, complaints, or inquiries, contact us.


© Copyright 1997-2018 INQUIRER.net | All Rights Reserved

We use cookies to ensure you get the best experience on our website. By continuing, you are agreeing to our use of cookies. To find out more, please click this link.