GERMAN NATIONAL PLAYER BAGONG GINEBRA IMPORT?
Posibleng sa darating na Byernes ay may bagong import na ang Barangay Ginebra San Miguel.
Ito ay kung hindi mapupurnada ang negosasyon sa pagitan ng koponan at ng natitirang import na kanilang kinaki-usap.
Ayon sa mga inside sources, may limang players na kinakausap ang Barangay Ginebra San Miguel.
Isa rito si Nigerian center Jerome Jordan, na noon lamang nakaraang linggo ay pinalagda ng Los Angeles Lakers sa NBA.
Ang isa pa nilang prospect na si dating San Antonio Spurs center Ike Diogu ay maaring magkaroon ng mahaba-habang stint kasama ang Guangdong Southern Tigers sa Chinese Basketball League.
Samantala, isang source din ang nagsabi na kursunada rin ng Ginebra si Shavlik Randolph, na kasalukuyang scoring champion ng Chinese Basketball League.
Ang problema… pasok rin sa playoffs ang koponan ni Randolph na Foshan Long Lions sa CBL.
Top seed kasi ang Tigers at maaring lumaban sa Finals ng 2012-2013 season ng CBA at hindi magiging available hanggang sa 3rd week ng Marso.
“Malabo na yung dalawa na yun,” saad ni coach Alfrancis Chua.
Ang isa pang napabalitang kursunada ng Gin Kings ay si dating Talk n’ Text Tropang Texters import Donelle Harvey.
Problema nga lang, hindi makausap ng San Miguel officials ang 6-8 rebounding at defensive monster dahil sa hawak pa rin ng karibal na kumpanya ang playing rights sa PBA nito.
Sa ngayon ay isang former German National Team member ang umano’y kinakausap na ng masinsinan ng Ginebra.
Martes pa ng hapon malalaman ang tugon nito, pero oras na lagdaan umano ang kontrata na ipapadala ng team ay maaring dumating na ito sa Huwebes, upang magkaroon pa rin ng pagkakataon ang Ginebra na asikasuhin ang kanyang working permit maging ang anunsiyo sa PBA office. (SBadua)
Subscribe to INQUIRER PLUS to get access to The Philippine Daily Inquirer & other 70+ titles, share up to 5 gadgets, listen to the news, download as early as 4am & share articles on social media. Call 896 6000.