WALANG ALITAN
“Wala kaming alitan ni Coach Rajko Toroman at lalong hindi ako nagrerebedle sa kanya”.
Pahayag ito ni Barako Bull Energy Cola star guard Roger Yap nang makausap ng Frost Byte Lunes ng gabi.
Marami kasing fans ang naghahanap na kay Yap dahil hindi ito nasisilayang nakasuot ng Barako Bull jersey kahit sa team practice.
Magugunitang nagkaroon ng alitan sina Yap at Toroman noong panahon na sila ay parehong nasa San Miguel Beermen-Philippines team pa sa ABL.
Pero ayon sa 35-year-old Cebuano dribbler, napag-usapan na nila yun ni Toroman bago pa man nag-assume ng role ang Serbian mentor bilang consultant ng Energy Cola.
“Nag-usap na kami ni coach, alam na niya yun at alam ko na rin. Grabe nga paggalang ko sa kanya eh,” wika ni Yap.
Subalit nang aming tanungin kung bakit naka-street clothes siya sa laro ng Barako Bull kontra San Mig Coffee Mixers at GlobalPort Batang Pier, ikinatwiran nito ang kanyang injury sa paa.
Katunayan, sumalang si Yap sa arthroscopic surgery sa St. Luke’s Medical Center noong Lunes sanhi ng bone spurs sa kanyang kaliwang paa.
“Ang sakit nito… Lumabas ito nung tune-up namin ng Ginebra noong isang buwan,”paliwanag ng 12-year PBA veteran.
Tinatayang aabot ng anim hanggang pitong linggo ang magiging pahinga ni Yap, na kilala bilang isa sa mga most versatile point guards sa PBA.
“Gusto ko na ngang bumalik, kaso kailangan talagang ipahinga ito sabi ni Doc (Raul) Canlas,” idinagdag pa niya.
Nang aming hingan ng pananaw ukol sa magandang nilalaro ng mga gwardya ng Barako Bull na kapalitan niya sa playing time, simple lang ang nagging sagot ni Yap.
“Wala sa isip ko yun… Pagaling muna ko saka na natin pag-usapan yung pagbalik ko sa rotation ng team”, nakatawang tugon ng 4-time PBA All Star.
Subscribe to INQUIRER PLUS to get access to The Philippine Daily Inquirer & other 70+ titles, share up to 5 gadgets, listen to the news, download as early as 4am & share articles on social media. Call 896 6000.