Close  

PENNISI, TOROMAN ZERO IN ON BARAKO BULL’S WOES

10:36 AM March 15, 2013
*/?>

Sa pagsadsad ng Barako Bull Energy Cola sa ika-apat na  sunod na talo, aminado ang team na tila tinamaan sila ng kung ano.

Matapos kasi na mahawakan ang liderato ng team standings sa unang bahagi ng Commissioner’s Cup, biglang lumaylay ang laro ng Energy Cola.

Maging si veteran center Mick Pennisi ay nagsabing hirap din silang i-identify ang problema.

“We are going through a teething process, you know, coach Bong (Ramos) is implementing a new system, which is that of Mr. Rajko’s (Toroman),” tugon ni Pennisi nang makausap ng FrostByte.

FEATURED STORIES

“Like any new team with a new system, it’s a long process. We’re doing good at some things and in other things we’re bad,” dagdag ng Fil-Australian center.

Partikular ding tinuran ng dating national cager ang malimit na pagrelax ng koponan sa depensa.

“During those times we were doing good, we were playing defense. Now it looks like we forgot about it,” ayon pa sa kanya.

Ang matamlay na depensa na tinuran ni Pennisi ang nakikita ring numero unong problema ni team consultant na si Toroman.

Paliwanag ng veteran internationalist coach na  kanyang hinahamon ang mga players nila na magpursige muli sa depensa.

“Everything is about defense, we don’t have energy doing it,” hirit ni Toroman.

Sa ngayon ay ipinagtanggol na rin ni Toroman ang kanilang import na si Evan Brock, na dati rati ay tinuturong problema ng ilang fans at maging PBA observers.

Ang performance ni Brock noong Miyekules ng gabi kontra Meralco na 25 rebounds, 3 assists, 1 steal at 1 block ay masasabing isa sa mga best performances so far by an import ngayong mid-season conference.

“Evan just played the best game for an import, he’s not the problem. The team is the problem, and we need to solve it together,” giit pa ng 57 year old coach, na nagdala sa Pilipinas sa 4th place finish noong 2011 FIBA Asia championships.

Sa kanilang current record na 3 wins at 5 losses, sadsad ngayon sa seventh place overall ang Barako Bull.

Pero buo pa rin ang tiwala ni Toroman na kapag lumabas ang dating bagsik ng George Chua franchise ay walang duda kaya pa nilang humabol para sa playoff spot dahil may anim na laro pa silang nalalabi sa elimination phase.

Read Next
EDITORS' PICK
MOST READ
Don't miss out on the latest news and information.

Subscribe to INQUIRER PLUS to get access to The Philippine Daily Inquirer & other 70+ titles, share up to 5 gadgets, listen to the news, download as early as 4am & share articles on social media. Call 896 6000.

TAGS:
For feedback, complaints, or inquiries, contact us.

© Copyright 1997-2025 INQUIRER.net | All Rights Reserved