Close  

NO TRADES FOR BATANG PIER’S MMDA

02:14 PM March 22, 2013
*/?>

Matapos na ilabas natin sa FrostByte ang ating analysis sa biglaang pagbaba ng playing minutes ni Japeth Aguilar sa huling dalawang laro ng GlobalPort Batang Pier, agad tayong nakatanggap ng tawag mula sa isa sa trusted lieutenants ni team owner Mikee Romero.

At ayon sa head ng basketball operations ng Sultan900,Inc. franchise na si Ginoong Erick Arejola,hinding hindi nila i-te-trade si Aguilar.

Ipinaliwanag rin ni Arejola na kaya mas natali sa bench si Aguilar sa kanilang huling dalawang laro ay dahil sa na-foul trouble ito.

“We really had to keep him on the bench because he had a lot of fouls, he was even called for his 6th foul in our game against Air21,” wika ng Air Asia official.

FEATURED STORIES

Kasunod nito, inalingawngaw rin ni Arejola sa FrostByte ang mensahe ni Romero na hindi nila inilalagay sa trading block ang 6-9 slotman.

“No, Boss Mikee is firm in his initial statement of keeping Aguilar in our fold,” paliwanag pa niya na tila sumasagot sa naging mga katanungan natin sa courtside column na ito.

Ang paglilinaw na ito ng GlobalPort ay nararapat na maging magandang balita sa mga fans, na nag-aalala at madalas magtanong tungkol sa kanilang team.

Muli ring pinanindigan ng grupo ni Romero ang “no-trade policy” sa iba pang key players ng team na sina Gary David, Sol Mercado at Willie Miller.

Ang tatlo kasama si Aguilar ay ang sinasabing MMDA core ng GlobalPort, na acronym  para sa Miller, Mercado, David at Aguilar.

“Yes, our MMDA will stay,” pagsasara ni Arejola, na umaasa ring titigil na ang kanilang lumalalang 6 game losing skid.

Buhat nang talunin ang Barangay Ginebra San Miguel noong February 15, hindi pa ulit tumitikim ng panalo ang Batang Pier, na mula sa dating share of top spot, ngayon ay sadsad sa pinakadulo ng standings sa kanilang 2 wins at 7 losses na baraha.

Read Next
EDITORS' PICK
MOST READ
Don't miss out on the latest news and information.

Subscribe to INQUIRER PLUS to get access to The Philippine Daily Inquirer & other 70+ titles, share up to 5 gadgets, listen to the news, download as early as 4am & share articles on social media. Call 896 6000.

TAGS:
For feedback, complaints, or inquiries, contact us.

© Copyright 1997-2026 INQUIRER.net | All Rights Reserved