Close  

PETRON IMPORT SIMS, NA-DELAY ANG FLIGHT

02:52 PM April 03, 2013
*/?>

Hindi dumating kaninang umaga ang bagong import ng Petron Blaze Boosters na si Henry Sims.

Na-cancel umano ang connecting flight ni Sims mula Guam, kaya’t imbes na alas kwatro ng umaga ng Miyerkules ay alas sais na ng gabi ang departure nito.

Mismong si San Miguel Corporation Basketball Operations Head Robert Non ang nagkumpirma ng balita sa PTV Sports.

“Yes, (his flight was delayed). But Sims is arriving at 8 pm tonight,” ayon sa text message ni Non. “He is now in Guam, and his connecting flight to Manila is 6 pm.

FEATURED STORIES

Ang balita ay naging surprise development sa mga players at coaching staff ng Petron.

Si assistant coach Biboy Ravanes ay patungo na sana sa airport para sunduin si Sims nang mabalitaang na-cancel ang flight nito.

“Oo nga nagulat din ako, pero ganun talaga, nangyayari yun,” wika ni Ravanes.

Nanlumo naman ang ilang players na dumating sa rescheduled afternoon practice ng Blaze Boosters. Sinadya ni coach Olsen Racela na ilipat sa hapon ang ensayo upang mabigyan ng pagkakataon si Sims na makasama ng team.

Pero dahil sa delayed flight, nabitin ang excitement ng mga players na makaniig ang 6-10 import na ayon sa scouting report ay may taglay na perimeter shooting, impressive dribbling skills at post-up play.

“Sayang we would have wanted to see him now, kaso ganun talaga, it happens all the time sa mga international flights,” tugon ni Cabagnot, na lumaki sa US.

“Ganun ba?” sagot ng nagulat na si Denok Miranda. “Di bale, may ilang araw pa naman na pwede namin siyang makasama sa ensayo. Linggo pa naman ang game.”

Read Next
EDITORS' PICK
MOST READ
Don't miss out on the latest news and information.

Subscribe to INQUIRER PLUS to get access to The Philippine Daily Inquirer & other 70+ titles, share up to 5 gadgets, listen to the news, download as early as 4am & share articles on social media. Call 896 6000.

TAGS:
For feedback, complaints, or inquiries, contact us.

© Copyright 1997-2026 INQUIRER.net | All Rights Reserved