Close  

MGA NILULUTONG RIGODON

03:50 PM April 14, 2013
*/?>

Habang palapit na ang pagsasara ng Commissioner’s cup, hindi maiaalis na karamihan sa mga teams, lalo na yung mga hindi pinalad na magpunyagi, ay nagpaplano na para sa susunod na kumperensya.

At natural lamang sa lahat ng koponan, kahit anong sport pa yan, na sumuling sa pakikipagpalitan ng tao (o pyesa) bilang unang hakbang sa asam na pagpapalakas ng kampanya.

Dahil sa August 14 pa ang opening ng next Governors’ Cup, siguradong sasamantalahin ng iba’t ibang teams ang trading block para makapag regroup.

Syempre nga naman, mas mahaba ang magiging preparasyon at panahon para magkakilanlan ang kanilang mga manlalaro.

FEATURED STORIES

Sa ngayon ay may isang team na aming natunugan dito sa FrostByte ang umano’y busy nang bumabalangkas ng kanilang plano.

Katunayan, may iniispatan na umano ang koponan na ito na dalawang prospects bilang import.

At dahil sa susunod na linggo pa magpupulong ang kanilang management, hayaan niyo munang itago natin kung aling team ito.

Sa ganitong paraan, mas mailalahad ko sa inyo ang binubuo nilang plano. Saka minsan mas exciting yung napapaisip ka di ba?

Ayon sa aming kuliglig, parehong balik-import ang inaasinta ng team na ito. Dahil magiging obvious, isa lang ang papangalanan ko muna. Si Nate Brumfield (dating sa Barangay Ginebra) at yung isa nakasama nila noong 2012 Commissioner’s Cup.

Player swap? Syempre, meron sila niyan.

Sa ngayon ay inaalok umano ang team na ito ng isang nangangapuhap rin na koponan ng one-on-one trade.

Maaring involved dito ay isang streak shooting rookie na matangkad pero lumalaro ng dos at tres, at ang kapalit ay isang big man na dating JRU Heavy Bomber.

Sa ngayon ay mukhang wala pang interes ang nililigawang team, dahil may inaasinta silang dalawang marquee big men mula sa dalawang higanteng koponan na kanilang kinakausap ngayon.

Bale, dalawang pares pa ng trade negotiation ang pinagdaraanan ng aligagang team na ito na ang may-ari ay talagang tanyag sa pagiging sanay sa panalo.

Ang unang transaksyon na inaareglo ay para di umano sa kanilang high scoring guard na lumalaro sa national team.

Kausap ang isang koponang salat ngayon sa isang go-to-guy kapag crunch time, sinasabing willing na nilang pakawalan ang magilas na star kapalit ng dalawang players – isang warrior na mataas lumipad at isang mamamana.

Ang ikalawang trade na pilit isinasakatuparan ng grupong ito ay ang pagkuha sa big man na dati nang napabalitang papunta na sa kanila kasama ang isang high scoring guard na injured rin ngayon.

Read Next
EDITORS' PICK
MOST READ
Don't miss out on the latest news and information.

Subscribe to INQUIRER PLUS to get access to The Philippine Daily Inquirer & other 70+ titles, share up to 5 gadgets, listen to the news, download as early as 4am & share articles on social media. Call 896 6000.

TAGS:
For feedback, complaints, or inquiries, contact us.

© Copyright 1997-2025 INQUIRER.net | All Rights Reserved