Close  

AIR21 SOBRANG BUSY SA TRADING FLOOR

03:07 PM August 30, 2013
*/?>

Dalawang trade deals ang inaasikaso ngayon ng Air21 Express.

Sa kasalukuyang Governors’ Cup, isa ang Bert Lina franchise sa mga nangangapuhap ng porma habang ang isa sa kanilang kausap na Meralco Bolts ay isa rin sa mga nasa ibaba ng team standings.

Ayon sa aming kuliglig, malapit-lapit na umanong maikasa ng Air21 ang trade sa Meralco kung saan maaring magpalitan ng pwesto sina Mark Cardona at Mike Cortez.

Magiging maganda para sa Air21 ang pag-acquire kay Cardona dahil ang off guard spot ang kahinaan ngayon ng Express.

FEATURED STORIES

Kilala si Cardona sa kanyang husay umatake sa basket at humanap ng puntos kahit walang gaanong tulong ng kakampi.

Ang pagkuha naman kay Cortez ay magiging added boost para sa Bolts, lalo na ngayon at tila urong sulong ang laro ng top point guard ng team na si Chris Ross.

Sa unang apat na laro ng Meralco, nag-average ng masakit sa matang 4.67 turnovers si Ross, na mistulang nawalan rin ng pangil sa depensa.

Bukod rito, mainit rin na inaareglo diumano ni Air21 governor Lito Alvarez ang pagkuha sa playing rights ni Taulava, bagay na ayon sa maing kuliglig ay lalong nagpapatagal sa negosasyon.

Pero tunay na isa sa pinakamahusay na trader sa liga si Ginoong Alvarez.

Sakali kasing pumalya ang pakikipag deal niya sa Meralco, may nakaabang na siyang deal katapat ang Petron Blaze Boosters at Barangay Ginebra San Miguel.

Ayon sa aming mga sources mula sa Ortigas avenue, willing na ang Petron na pakawalan si scorer Joseph Yeo makuha lamang ang serbisyo ng role playing forward na si Nelbert Omolon.

Iniispatan naman ng Ginebra ang 2014 first round pick at ang young center na si James Sena mula sa Air21 Express at handa silang magpakawala ng isang veteran forward.

Sa Board meeting ng PBA noon Huwebes ay sinasabing nagsalo sa isang tahimik na kwarto ang mga kinatawan ng mga koponang nabanggit.

Kung ano ang kanilang napag-usapan… yan ang ating aabangan sa patuloy na paglalim ng 2013 season.

Read Next
EDITORS' PICK
MOST READ
Don't miss out on the latest news and information.

Subscribe to INQUIRER PLUS to get access to The Philippine Daily Inquirer & other 70+ titles, share up to 5 gadgets, listen to the news, download as early as 4am & share articles on social media. Call 896 6000.

TAGS:
For feedback, complaints, or inquiries, contact us.

© Copyright 1997-2025 INQUIRER.net | All Rights Reserved