Close  

SINO ANG LILIPAT SAAN?

03:46 PM October 14, 2013
*/?>

Matapos na mailipat na ng team ang matagal na nating binabanggit sa inyo explosive cager na tumutugun sa pangalang Gary David. [Tignan ang story dito:https://pba.inquirer.net/29049/trade-mukhang-kasado-na-sa-wakas]

Aba, sunod-sunod na player movements pa ang maari ninyong abangan lalo’t papatiklop na ang current season ng PBA.

Ready na ba kayong mag ehersisyo ng utak?

FEATURED STORIES

Trade negotiation 1:

Isang player na tila hindi tumatagal ng isang taon sa kanyang team na nilalaruan ang mas malamang ay malipat muli ng koponan.

Dalawa ang opsyon sa ngayon sa player na ito na minsan ring muntik naging top overall pick.

Una ay maaring ilipat ito sa sister team ng kanyang team o sa team ng kanyang brother.

Inaasinta kasi ng kanyang coach ang ‘kuya’ ni cager noong Draft.

Trade negotiation 2:

Ilang ulit na napabalita na malilipat si player na itago natin sa pangalang Orion, pero mukhang ngayon tuloy na tuloy na ang kanyang pagtahak sa landas patungo sa isang ‘possible reunion of sorts.’

Noong Agosto pa sana nailipat ng team si agile big man na dating lumaro sa national team.

Isang big man mula sa Diliman ang ini-aalok na kapalit ng kausap na team.

Trade negotiation 3:

Ito ang mabigat, dahil superstar player ang caliber ng shooting guard na ito na maaring mailipat sa team na unang napabalitang lilipatan niya bago pa ang playoffs ng Governors’ Cup.

Hindi ito natuloy dahil nag leak sa media ang trade, kaya bahagyang binago ang kumbinasyon ng palitan… meeeooooowwww!

Pag natuloy to, malamang mabaliw ang player. Pero sana wag namang umabot sa punto na mapapasok pa siya sa loob ng Mandaluyong. Ibang usapan na yun.

O yan na muna mga kakampi.

Pero tandaan ninyo ha. Marami pang inaareglong trades. Kaya’t magiging sing exciting ng current PBA Governors’ Cup Finals ang ating off-season.

Ay nakalimutan ko, baka madamay pa ang isang gwardya na naglalaba muna bago gumala.

Saka na yun.

Read Next
EDITORS' PICK
MOST READ
Don't miss out on the latest news and information.

Subscribe to INQUIRER PLUS to get access to The Philippine Daily Inquirer & other 70+ titles, share up to 5 gadgets, listen to the news, download as early as 4am & share articles on social media. Call 896 6000.

TAGS:
For feedback, complaints, or inquiries, contact us.

© Copyright 1997-2024 INQUIRER.net | All Rights Reserved