MGA DOKUMENTO NG DRAFT APPLICANTS SUSURIIN PA
Ngayon at kilala na ang 85 draft applicants, maghihintay pa tayo ng sampung araw bago makita ang final list.
Susuriin pa kasing maigi ng PBA office ang mga sinumiteng dokumento ng mga nagbabalak pumasok sa PBA.
Kabilang sa mga sisiyasating maigi ay ang birth certificate, school records at iba pang mahahalagang detalye.
Bibigyan pa rin ng pagkakataon ang lahat ng aplikante na mag-isip kung mananatiling available sa draft o magpu-pull-out.
Hindi na bago sa PBA draft ang may mga umuurong nang biglaan.
Noon lamang nakaraang taon ay nagbawi ng aplikasyon sina Ronald Pascual at JR Cawaling.
Prospective first round pick pa naman sana si Pascual, na ngayon ay isa sa mga haligi ng Gilas cadets.
Maliban sa mga malimit mabanggit na applicants tulad nina Gregory Slaughter, Ian Sangalang, Raymond Almaza, Jeric Teng, Terrence Romeo, RR Garcia at Justin Chua, alam niyo ba na may ilang players rin sa pool ang galling sa dekalibreng pamilya ng PBA players?
Si Joshua Webb ay pamangkin ni dating Tanduay guard at ngayo’y TV panelist Jason Webb, na anak naman ni legendary PBA star at coach Freddie Webb.
Si Carlo Lastimosa ay pamangkin ni dating Alaska Aces guard Jojo Lastimosa, habang pamangkin naman ng dati ring Alaska shooter na si Ricric Marata si Samuel Marata.
Si dating Ateneo guard Ryan Buenafe ay pamangkin naman ni Barako Bull sniper Ronjay Buenafe.
Subscribe to INQUIRER PLUS to get access to The Philippine Daily Inquirer & other 70+ titles, share up to 5 gadgets, listen to the news, download as early as 4am & share articles on social media. Call 896 6000.