PATULOY ANG WHEELING & DEALING SA SYDNEY
Narito ang mga maaring abangan sa mga susunod na araw sa mahal nating liga.
Nasa hanggang dalawang teams ang maaring magpalit ng coach.
Actually, yung isa halos sigurado na, habang yung isa pinaplano pa lamang.
Ang pagpapalit ng coach ng isang team ay maaring ikagulat at malamang ikapanlumo ng coach na ito.
Saka ko na kayo bibigyan ng hint pag OK na.
Ang isang team naman, tinatantya kung ano ang kanilang magiging next move. Ang sakit nga naman sa loob nang nangyari, di ba?
* * *
Isa pang dapat abangan sa mga susunod na araw ay ang gagawing trades ng iba’t ibang teams.
Miyerkules ng umaga ay naikasa ng Petron Blaze Boosters at GlobalPort Batang Pier ang isang trade habang nag-uumagahan ang delegasyon dito sa Sydney, Australia.
Nakuha ng Petron sa GlobaPort ang cat-quick guard na si Chris Ross, habang ibinigay nilang kapalit sa Sultan 900 Incorporated franchise ay ang veteran guard na si Denok Miranda.
Mukhang hindi pa rito magwawakas ang paglalakbay ni Miranda, na ngayon ay nagbabakasyon sa Boracay, dahil mas malamang ay ihagis ito ng Batang Pier sa Barako Bull para sa sixth pick overall ng paparating na Draft.
Matagal nang inaawitan ng GlobaPort ang pick ng Barako Bull, na noon pa naghahanap ng isang reliable point guard dahil injury prone ang kanilang mga batang gwardiya.
* * *
Matapos ang trade ng GlobalPort at Petron, mas malamang ay sumunod na rin dito ang Talk n Text Tropang Texters.
Ayon kay Smart Communications vice president for sports Patrick Gregorio, talagang inatasan siya ni big boss Manny V. Pangilinan na humanap ng trade.
Maganda-gandang pick sa Draft sa Linggo ang hanap ng mga Topang Texters na ngayon ay mataimtim na nanliligaw sa 11th pick ng GlobalPort.
Kaya kasi ng Mikee Romero franchise na bitawan ang 11th pick dahil mayroon na silang 7th pick at mas malamang ay makuha pa nga nila ang 6th pick.
Bukod sa GlobalPort, lagi ring nilalapitan dito sa Sydney ni Ginoong Gregorio ang Governor ng Alaska Aces na si Dickie Bachmann para suyuin sa 8th pick.
Dinidikitan ding madalas ng dating Ten Outstanding Young Men awardee na si Gregorio si Rain or Shine governor Atty. Mert Mondragon para sa 9th overall pick.
Tatagal dito sa Sydney ang PBA Board hanggang sa Sabado, kaya’t mag-abang-abang kayo sa mga posible pang maganap na wheeling and dealing.
Subscribe to INQUIRER PLUS to get access to The Philippine Daily Inquirer & other 70+ titles, share up to 5 gadgets, listen to the news, download as early as 4am & share articles on social media. Call 896 6000.