Close  

MATIAS NAKAAMBANG LUMIPAT

03:58 PM December 02, 2013
*/?>

Habang papalalim nang papalaim ang kasalukuyang kumperensya, isang pagpapalit uniporme na naman ng player ang aasahan.

Napag-alaman ng pba.ph na ang veteran forward ng Rain or Shine na si Ronnie Matias ay maaring malipat sa Air21 Express sa mga susunod na araw.

Mismong si team governor Atty Mert Mondragon ang nagkumpirma sa planong ito ng Elasto Painters.

FEATURED STORIES

“Napag-usapan na naming yan ni Mr. Lito (Alvarez). Almost done deal na yan. Finalizing na lang kami,” ani Mondragon, sa kanilang balak na kumuha ng future pick sa Air21 bilang kapalit ni Matias.

Isa si Matias sa mga mahuhusay na defenders ni coach Yeng Guiao, ang taong nagbigay ng break para mailabas ang tunay na laro ng dating University of Manila stalwart.

Pero hindi na rin bago para kay Matias ang paglalaro sa Air21, dahil taong 2009 nang gawin siyang 9th overall pick ni Alvarez at ng noo’y Burger King Whoppers.

Inaasahang magaganap ang paglipat ni Matias sa Air 21 sa mga susunod na araw.

At ayon nga sa aming nakausap mula sa Express camp, matagal na rito ang dalawang linggo.

Ang Matias trade ay ang magiging ikalawang player movement ngayong season, matapos ang paglipat ni Leo Najorda at ni rookie Justin Chua sa GlobalPort noong November 5 kapalit ni newcomer big man Isaac Holstein sa San Mig Coffee Mixers.

Read Next
EDITORS' PICK
MOST READ
Don't miss out on the latest news and information.

Subscribe to INQUIRER PLUS to get access to The Philippine Daily Inquirer & other 70+ titles, share up to 5 gadgets, listen to the news, download as early as 4am & share articles on social media. Call 896 6000.

TAGS:
For feedback, complaints, or inquiries, contact us.

© Copyright 1997-2024 INQUIRER.net | All Rights Reserved