Close  

D-LEAGUE TEAM BLACKWATER TULOY ANG TULONG SA TACLOBAN

06:36 PM January 02, 2014
*/?>

Dahil sa kanyang nakakapanlumong nakita sa sinapit ng mga kababayan natin sa Tacloban,  bumalik si Blackwater Sports team owner Dioceldo Sy sa Yolanda-ravaged city para magbigay ng ayuda.

Unang dumalaw sa Tacloban nuong November 22 kasama sina PBA commissioner Chito Salud at mga players at officials ng liga, hindi itinanggi ni Sy na naging laman na lagi ng kanyang isip ang kaawa-awang lagay ng mga tao run.

“Talagang lagi kong naisip ang mga taga Tacloban since na nag visit kami nila Kume. Naawa talaga ako. Hindi kinaya ng puso ko na tanggapin na may mga taong dumadanas ng ganung hirap,” wika ni Sy.

FEATURED STORIES

“Naisip ko. Swerte na rin ako kasi hindi ako ang mismong andun… kaya gumawa talaga ako ng paraan para bumalik at tumulong,” dagdag ni Sy, na humingi rin ng tulong sa kanyang mga kaibigang negosyante para lumikom rin ng dagdag pang tulong.

Agad na nagbigay ng halagang dalawang milyong pisong halaga ng payloader at kagamitang pang konstruksyon ang grupo ng Ever Bilena cosmetics, na bahagi ng PBA D-League.

Naniniwala si Sy na isa itong mainam na hakbang para mas mapablis ang rehabilitasyon at muling pagbangon ng Tacloban na tinawag niyang dating paraisong lungsod.

“Syempre, hindi lang dapat mag focus sa tulong gaya ng pagkain at relief goods. Mas makakabuti kung tutulong tayo sa kanila sa pamamagitan ng mga gamit pang imprastraktura,” ayon sa mabait na team owner.

Bukod pa rito, nagbigay rin ng continuous support sa relief goods ang grupo nina Sy, na kinabibilangan rin ng mga kaibigang sina Wilbert Lao, Rudy Yu, Mike Lim at iba pa niyang kaibigan at supplier.

“Oo naman. Tuloy-tuloy ang tulong namin hangga’t hindi namin nakikita na maayos na ang lagay nila,” wika ng businessman na nagnanais ring maging bahagi balang araw ng PBA.

At upang matulungan ang mga nagdarahop na kabataan ng Tacloban na lumimot sa mapait na nakaraan, nag-donate rin ang grupo ng mga bola at iba pang kagamitang pang sports upang matulungan ang mga kabataan doon na unti-unting lumimot sa mapait na nakaraan.

Nakasama ni Sy sa byahe pabalik sa Tacloban ang maybahay na si Kristine pati na ang iba pang opisyales ng Ever Bilena cosmetics company, na mother unit ng Blackwater Sports Elite team

Read Next
EDITORS' PICK
MOST READ
Don't miss out on the latest news and information.

Subscribe to INQUIRER PLUS to get access to The Philippine Daily Inquirer & other 70+ titles, share up to 5 gadgets, listen to the news, download as early as 4am & share articles on social media. Call 896 6000.

TAGS:
For feedback, complaints, or inquiries, contact us.

© Copyright 1997-2024 INQUIRER.net | All Rights Reserved