Close  

JOINING PBA WORTH EVERY PESO

06:09 PM March 03, 2014
*/?>

Marami na ang excited sa napipintong pagsali sa PBA ng Blackwater Sports, isang perennial contender sa amateur ranks particular na sa D-League.

Pero higit na mas gigil nang makapsok sa liga ang team owner nito na si Ginoong Dioceldo Sy.

Kwento ni Sy, matagal na niyang pangarap ang makapasok sa Asia’s first play for pay league, patunay aniya rito ay ang halos dalawang dekada na niyang paglahok sa mga amateur leagues tulad ng Vis-Min Cup, PBL at D-league.

FEATURED STORIES

“It is really my dream to make it to the PBA… Becoming a member of the PBA is every businessman/sportsman’s dream,” wika ni Sy, na may ari ng pinakamalaking cosmetics company sa bansa na Ever Bilena.

Hindi namin naiwasang tanungin si Sy, worth it ba ang magpasok ng isang team sa PBA kahit pa pumapalo na sa bilyon ang kita ng kanyang kumpanya?

“The PBA no doubt is the biggest and best marketing tool in the country. It can make your brand a household name. Look at Alaska, Rain or Shine, San Miguel. Lahat sila may recall sa market nila,” kwento ni Sy.

Sa kanyang pagpasok sa PBA, maoobliga si Sy na magbayad ng 100 million pesos na franchise fee.

Pero para sa dating PBL chairman, bahagi ito ng kanilang sakripisyo para gawing mas malawak ang reach ng kanilang produkto.

“I don’t mind paying for it. In fact, right after we receive a clearance from the PBA on Thursday, willing na kong magbayad ng P30 million as initial fund,” wika ng mabait na may-ari rin ng Blu Detergent at Cusson Baby products.

“I am hoping and I believe that the PBA can help our company grow bigger. In 3 to 4 years’ time, alam ko mararamdaman ko na ang mas magandang benta,” ayon kay Sy.

Umaasa si Sy na sa kanyang unang dalawang taon sa PBA ay hindi pa agad dapat umasa ng dominating performance ang mga fans.

“Hindi pa agad-agad yun. Kailangan pa naming makapa ang sistema sa PBA, it’s a few notches up sa level ng D-league. Siguro in 3 years or 4 years, hopefully andun na kami (Finals),” ayon kay Sy, na ang Blackwater Sports team ang tatayong defending champion ng PBA D-League Foundation cup.

Sa kasalukuyan ay nagsasagawa na ng tryouts ang Blackwater Sports, sa pangunguna ni coach Leo Isaac.

Bahagi ng kanilang programang ito ay kilalanin na rin ang mga players na maari nilang bitbitin sa PBA simula sa next season na bubuksan sa Oktubre.

Sa March 3-5 ay magco-conduct ng malawakang tryouts ang Blackwater Sports sa SGS gym sa Araneta Avenue sa Quezon City.

“Open sa lahat yun, basta 26 years old o 28 years old naman kung dating PBA draftee,” ayon kay Blackwater Sports team manager Johnson Martines.

“Kailangan naming palakasin ang team. Farewell conference na namin ito. We have to end our campaign in the amateurs on a high note,” dagdag pa nito.

Read Next
EDITORS' PICK
MOST READ
Don't miss out on the latest news and information.

Subscribe to INQUIRER PLUS to get access to The Philippine Daily Inquirer & other 70+ titles, share up to 5 gadgets, listen to the news, download as early as 4am & share articles on social media. Call 896 6000.

TAGS:
For feedback, complaints, or inquiries, contact us.

© Copyright 1997-2026 INQUIRER.net | All Rights Reserved