Close  

FREEMAN PAPALIT KAY POWELL SA GINEBRA

04:27 PM April 14, 2014
*/?>

Matapos na kumalas nang biglaan ang current import na si Josh Powell, sasandig na kay two-time PBA Best Import awardee Gabe Freeman ang Barangay Ginebra San Miguel para sa nalalabing kampanya sa Commisisoner’s Cup.

Ayon sa impormasyon na ating nakalap, ipinadala na ng Ginebra management kay Freeman sa US ang kanyang plane ticket para dumating dito sa Pilipinas sa Miyerkules ng umaga.

Magiging hectic ang araw na ito para sa high scoring import dahil kailangan niyang mag renew ng lisensya sa Bureau of Immigration at sa Games and Amusement Board para makalaro sa final elimination game schedule ng Kings kontra Rain or Shine Elasto Painters.

FEATURED STORIES

Dahil sa humanitarian reasons, nirelease ng Ginebra si Powell na sinasabing inaalok ng kontrata ng Houston Rockets bilang back up center.

“Sinabi niya nakatanggap siya ng call sa Houston (Rockets) kaninang umaga, early morning,” wika ni Ginebra governor Robert Non.

“Eh sabi niya kapag nag sign up siya, pwedeng maging eligible na siya sa NBA pension. Kaya hindi na namin siya pinigilan,” dagdag ng mabait ng team official.

Bago naisara ang deal kay Freeman, inasinta rin ng Ginebra ang dating import na si Dior Lowhorn, pati na sina former Memphis Grizzlies forward Andre Emmett at Arkansas standout Charles Thomas.

Sa pagdating ni Freeman, may mahaba pa siyang panahon para makapag acclimatize at magamay ang sistema ng Ginebra, na kasalukuyang nasa lower half ng magic 8, ang bilang ng koponang uusad sa playoffs.

Maganda na rin ang pagpasok ni Freeman, dahil magkakaroon ulit ng kalayaan na magamit ng Kings ang Twin Towers nila na sina Gregory Slaughter at Japeth Aguilar (SBadua).

Read Next
EDITORS' PICK
MOST READ
Don't miss out on the latest news and information.

Subscribe to INQUIRER PLUS to get access to The Philippine Daily Inquirer & other 70+ titles, share up to 5 gadgets, listen to the news, download as early as 4am & share articles on social media. Call 896 6000.

TAGS:
For feedback, complaints, or inquiries, contact us.

© Copyright 1997-2025 INQUIRER.net | All Rights Reserved