Close  

PINGRIS PINATAWAG

04:57 PM May 28, 2014
*/?>

Ipinatawag ng Huwebes, alas tres ng hapon, ni PBA commissioner Chito Salud si San Mig Coffee Mixers superstar Marc Pingris.

Ito ay bunsod nang pagbibitaw ng suntok ng Gilas Pilipinas forward kay Meralco Bolts defender James Sena sa huling bahagi ng second quarter Martes ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Agad na napatawan ng flagrant foul penalty 2 si Pingris dahil sa insidente at kagyat na napatalsik sa laro na napagwagian ng Mixers, 108-90.

FEATURED STORIES

Ayon kay PBA media bureau chief Willie Marcial,  napanood na ni Salud ang video ng naturang insidente at papasadahan ulit ito ng abugadong kumisyunado bago kausapin si Pingris.

At dahil sa hindi umano nagbitaw ng suntok, hindi na ipapatawag ni Salud si Sena.

Sa magkahiwalay na panayam ng PTV Sports, sinabi ni Sena na talagang hindi na siya gumanti pa dahil alam niyang labag ito sa batas ng liga.

“Hindi na ko sumuntok. Kasi televised ang game. Saka para saan pa, lalo lang gugulo,” ayon sa dating JRU Heavy Bomber.

Matapos ang laro, inisplika ni Pingris na labis siyang nasaktan sa ibinaong siko sa kanyang dibdib ni Sena.

Matagal umano niyang pinagaling ang injury sa left rib, kaya’t ganun-ganun na lamang umano ang kanyang galit nang ito ay mapuruhan ng Meralco defender.

“Wala na sa anggulo ‘yung pick niya (Sena) eh. Sana kung dumaan yung import (Marqus Blakely)sa kanya. Eh di naman,” paliwanag ni Pingris.

“Two weeks ko pinagaling ito, tapos eto ulit. Masasakit na naman,” dagdag pa nito.

Ito ang ikalawang pagkakataon na ipapatawag ni commissioner Salud si Pingris sa loob ng walong buwan dahil sa gulo sa hardcourt.

Nuong Setyembre ay pinatawan na ni Salud ng suspension at 60,000 peso fine ang Pozorrubio, Pangasinan pride matapos na ma-involve sa isang gulo katapat ang ilang players ng GlobalPort Batang Pier.

Kasama sa mga pinagmulta o di kayay sinuspinde ng liga noon ay sina Joe Devance at GlobalPort players Kelly Nabong at Marvin Hayes.

Ito ang huling pagkakataon na nagsuspinde ng players ang liga. (SBadua)

Read Next
EDITORS' PICK
MOST READ
Don't miss out on the latest news and information.

Subscribe to INQUIRER PLUS to get access to The Philippine Daily Inquirer & other 70+ titles, share up to 5 gadgets, listen to the news, download as early as 4am & share articles on social media. Call 896 6000.

TAGS:
For feedback, complaints, or inquiries, contact us.

© Copyright 1997-2024 INQUIRER.net | All Rights Reserved