Close  

MGA PROBLEMA SA NEGOTIATING TABLE

03:26 PM September 08, 2014
*/?>

Mas malamang ay humingi ng tulong sa PBA ang tatlong koponang nagkakaproblema ngayon sa mga players na kanilang kinakausap.

Ayon sa impormasyon na nakuha ng Frostbyte, humihingi ng mga extra incentives ang mga players, bagay na wala sa batas na pinapahintulutan ng liga.

Ang isang player ay sinasabing nagyayabang ng monthly salary na hindi naman ito ang naka-declare sa kanyang Uniform Players Contract sa PBA.

FEATURED STORIES

Sa sinumite kasing sweldo ng player sa kanyang dating team, nasa P175,000 lamang ang kanyang buwanang sweldo.

Pero giit ni player, pumapalo sa P500,000 buwan buwan ang kanyang paycheck.

Sa puntong ito, labis na nagagalit ang koponang kausap ngayon ni player dahil sa hinigitan na nga nila sa P250,000 a month ang ipapasweldo sa abusadong manlalaro pero humirit pa ito ng dagdag.

Balak ng team na ipitin ang manlalaro hanggang sa tuluyang mawala ang value ng laro nito, pero ang akala ni player ay matiwasay siyang makakuha ng kontrata sa iba.
                                                                  * * *

Ang isa pang team na malapit nang humingi ng tulong sa PBA ay nagkakaproblema naman sa bagitong player.

Maximum na P150,000 a month na kasi ang inihahatag ng koponan, pero humihingi pa raw ng pogi points na dagdag pasweldo ang gwapong manlalaro.

Hirit kasi ng agent ni player, bigyan ng condominium unit at kotse si player bukod pa sa buwanang sweldo nito.

Pihadong hindi ibibigay ng team ang layaw ng player dahil kilala ang kanyang koponan sa pagiging ‘masunurin sa batas ng PBA.’
                                                                * * *

Ang third team naman ay hindi problema, kundi pikon na pikon na sa isa nilang player na may paso nang kontrata.

Humihingi kasi ng malaki ang player, gayung pinagbigyan na ito ng team sa kanyang mataas na sweldong unang hiningi.

Kwento sa amin ng koponan, $11,000 (dollars yan ha, kwentahin niyo) na ang alok ng team kay player, pero humihirit pa ito ng dagdag na P50,000.

Kilala pa naman sa pagiging maton at handa sa away ang may ari ng team, kaya ang problema nakatengga ngayon ang karir ni player.

Ano ang mangyayari sa negosasyon ng mga teams na ito? Yan ang ating susubaybayan sa mga susunod na araw.

Read Next
EDITORS' PICK
MOST READ
Don't miss out on the latest news and information.

Subscribe to INQUIRER PLUS to get access to The Philippine Daily Inquirer & other 70+ titles, share up to 5 gadgets, listen to the news, download as early as 4am & share articles on social media. Call 896 6000.

TAGS:
For feedback, complaints, or inquiries, contact us.

© Copyright 1997-2024 INQUIRER.net | All Rights Reserved