Close  

ISA PANG COACH PAPALITAN?

03:04 PM October 24, 2014
*/?>

Ring for Blind Item_header

Isang coaching change ang posibleng maganap na naman sa PBA kung patuloy na hindi magpapakita ng pangil ang isang batang koponan.

Kahapon ay nakita sa EDSA Shang ng ating kuliglig na nakikipagpulong sa isang multi-titled coach ang management ng team na kino-coach ngayon ng dati niyang karibal sa UAAP.

Hindi batid kung ano ang laman ng pakikipagpulong ng management ng team na ito sa isang mahusay na coach, pero malamang hindi ito balik tanaw lang sa kanilang panahon bilang players at coach sa Taft Avenue noong araw.

FEATURED STORIES

Tiyak na magiging magandang hamon ang balitang ito sa coach na unti unti nang napupuna ng fans sa kanyang paminsan minsa’y magulong balasa ng players.

Sino yung coach, na-bulls eye niyo na ba?

*  *  *

Isang mainiting PBA player na kamakailan lamang ay na involve sa gulo ang tila pumapasok na naman sa away na wala naman siyang kinalalaman.

May nakaalitan kasi ang kanyang kakampi na pilit pinapasok ng maangas na player.

Sabagay,  pareho silang maangas nung kakampi niya.

Kaso ang problema, hindi alam ng ‘matulunging’ player na ito na noong minsan siyang maaway ay pinagkanulo siya ng kakampi niyang ipinagtatanggol ngayon.

Napag-alaman ng Frostbyte na yung kakampi pala ni ‘maalalahaning player’ eh nagtext sa kaaway ng suporta niya noong siya ang malagay sa alanganin.

Hay, buhay nga naman.

Read Next
EDITORS' PICK
MOST READ
Don't miss out on the latest news and information.

Subscribe to INQUIRER PLUS to get access to The Philippine Daily Inquirer & other 70+ titles, share up to 5 gadgets, listen to the news, download as early as 4am & share articles on social media. Call 896 6000.

TAGS:
For feedback, complaints, or inquiries, contact us.

© Copyright 1997-2024 INQUIRER.net | All Rights Reserved