Close  

UMUUSOK NA SI COACH

08:54 PM November 06, 2014
*/?>

Ring for Blind Item_header

Madalas mag-init ngayon ang ulo ng isang head coach dahil sa tila pasaway umanong pag-uugali ng kanyang mga players.

Ibang iba kasi ang takbo ng team ngayon na tila nangangapuhap ng porma kahit sa mga karibal na dapat ay yakang-yakang nila.

Ayon sa aming kuliglig, lagi umanong mainit ang ulo ng coach na ito na isa sa winningest coach sa PBA ngayon.

FEATURED STORIES

Ilan kasi sa mga napapansin ni coach ay ang mababang laro ng ilan sa kanyang mga players.

Maging ang management ng team ay tila nangungulumihan na rin sa kung ano ba ang nakain ng kanilang mga manlalaro at masyadong mababa ang performance level ng mga ito.

Pagbabanta ni coach, hindi siya mangingiming i-trade ang lahat ng mga sakit sa ulo niyang player kapag hindi pa rin nagtino at nagsikap ang mga ito.

*   *   *

Bahagi sana ng halftime show ng PBA ang presentasyon kay former NBA  superstar Allen Iverson.

Subalit napag-alaman ng Frostbyte na hindi man lamang nag-abiso ang headcase cager na hindi na siya makakarating sa ini-request niyang PBA appearance.

Ang masakit: ang mga opisyales pa umano ng liga ang kumontak sa kampo ni Iverson kung sila pa ba ay darating.

May ilang mga media entities rin ang nagalit kay Iverson, na kilalang may pagka moody, dahil sa hindi nito hinarap ang mga guesting commitments.

Nakakalungkot isipin na isang indibidbwal na nasa estado ni Iverson ang nagpapakita ng immaturity, bagay na maaring makasira sa kanyang reputasyon bilang isa sa most well loved player ng mga Pinoy.

Read Next
EDITORS' PICK
MOST READ
Don't miss out on the latest news and information.

Subscribe to INQUIRER PLUS to get access to The Philippine Daily Inquirer & other 70+ titles, share up to 5 gadgets, listen to the news, download as early as 4am & share articles on social media. Call 896 6000.

TAGS:
For feedback, complaints, or inquiries, contact us.

© Copyright 1997-2024 INQUIRER.net | All Rights Reserved