Close  

SOBRA NAMAN

01:29 PM April 17, 2015
*/?>

Coach-Huddleboard-(Generic-Post)_header

Isang dating PBA import ang kinukuha sana ng isang na PBA ballclub.

Ang problema, nabwisit maging ang head coach ng team na mismong may kursunada sa American cager na kilala sa kanyang versatility at pagiging high scoring.

Alam niyo ba kung magkano raw ang hinihinging sweldo ng nasabing import? $55,000 o tumataginting na 2,420,000 pesos kada buwan.

FEATURED STORIES

Ang maximum allowable salary lamang ng PBA sa mga reinforcements ay $25,000 (P1,100,000).

Eto pa ang isang nakakairita di umano sa import: Gusto niya ng dalawang kotse na kanyang service vehicles habang siya ay nandirito sa bansa.

Wow ha. May libre ka nang condo sa BSA Twin Towers, Ortigas, dalawang kotse pa gusto mong service mo? Ano yan gigimik ka gabi gabi at may pang coding ka pa?

***

Isang trade ang posible na namang maganap anumang araw.

Ito ay kinapapalooban ng isang newly revitalized ballclub na humuhubog ng bagong sistema at bagong direksyon habang ang isa naman ay pilit na umaahon mula sa kanilang malimit na cellar dweller post.

Ang mga players na involved: isang high scoring guard na may kakaibang galaw kaya tinawag itong karatista na may suot na maskara. Gets niyo? Ang gulo noh?

Ang posibleng ipalit, isang rookie na mukhang may edad na at galing Mendiola.

Pero ang problema, mukhang hindi pa payag ang team ng rookie na pakawalan ang kanilang wingman kaya naman nag counter offer ito ng isang player na galling na rin sa team na kausap nila.

Depende ang pagsasaktuparan nito sa magiging final decision ng management ng dalawang teams.

Read Next
EDITORS' PICK
MOST READ
Don't miss out on the latest news and information.

Subscribe to INQUIRER PLUS to get access to The Philippine Daily Inquirer & other 70+ titles, share up to 5 gadgets, listen to the news, download as early as 4am & share articles on social media. Call 896 6000.

TAGS:
For feedback, complaints, or inquiries, contact us.

© Copyright 1997-2024 INQUIRER.net | All Rights Reserved