Close  

FROSTBYTE: LASSITER IMPROVING; YAP NATATAPAT SA MGA NAI-INJURE NA PLAYERS

06:48 AM December 17, 2012
*/?>

Positibo ang improvement ng injury sa likod ni Marcio Lassiter.

Magugunitang nuong nakaraang Miyerkules, lumagapak sa sahig si Lassiter matapos na tangkain nitong i-deflect ang entry pass ni Peter June Simon para kay James Yap sa salpukan ng Petron Blaze Boosters at San Mig Coffee Mixers.

Nuong gabi ring yun ay sinalang sa X-ray si Lassiter para masilip ang extent ng injury at dito ay nakakitaan ng lamat sa kanyang lumbar o L5 sa spine ang tinaguriang “California Swag.”

FEATURED STORIES

Pero sa report na ibinigay ng source namin mula sa Petron camp, maayos nang nakakalakad si Lassiter, at nabawasan-bawasan na rin umano ang sakit na nadarama nito.

Samantala, lungkot naman ang nadarama ni Yap sa sinapit ni Lassiter.

Bagama’t aminado ang 2-time league MVP na nakahinga siya ng malalim matapos mabalitaan ang pagbuti ng kalagayan ni Lassiter,gusto pa rin nitong matiyak ang kaligtasan ng kaibigan.

“Sana walang mangyari sa kanya, kawawa naman. Kakabalik pa lang niya. Kaibigan ko yun si Marcio eh. Kasi before na pumasok siya sa PBA, sa amin sa Purefoods siya nuon nagpa-praktis,” batid ng soft spoken Escalante, Negros Occidental native.

Kasunod nito, iginiit ni Yap na aksidente ang nangyari at walang dapat sisihin.

“Tumama siya sa likod ko. Bumagsak siya pero di ko sinasadya yun. Player din ako, alam ko na puhunan namin ang aming katawan, kaya wala akong intension na saktan siya.

Sinikap pa ni Yap na kausapin si Lassiter habang nakadapa sa sahig, pero dahil sa tindi umano ng pamimilipit nito ay ipinagpaliban niya muna ang pag-console sa kaibigan.

“Nung bumagsak siya, hinawakan ko siya. Kaso parang talagang nasasaktan. Hinayaan ko na yung medical team na lumapit. Pero kinuha ko na yung number niya. Try ko siyang tawagan pag pwede na,” pagtitiyak ng sikat na cager.

Iiling-iling rin si Yap na isipin ang sinasabi ng ilang fans sa mga injuries ng ilang players na siya ang nasa harapan.

Bukod kasi kay Lassiter, sinasabing na-injure din sa tabi ni Yap sina Mark Caguioa at Dylan Ababou.

Pero sagot nito: “Ewan ko nga eh. Sa akin natataon. Ako pa naman yung player na hindi nambabalya ng kapwa player. Nagkakataon lang yun. Sa lahat ng Petroniverse, pasensya na. Hindi ko kagustuhan yung nangyari. Hindi ko sinadya. Hindi ko talaga siya nakita nung tumalon siya sa likod ko.”

Samantala, tinawag naman ni PBA legend Kennth Duremdes na hindi karapat-dapat ibintang kay Yap ang injury ni Lassiter at ng iba pa.

Kwento ng isa sa 25 PBA Greatest Players, contact sport ang basketball kaya’t prone sa injuries ang mga lumalaro nito.

Sa kaso aniya ni Yap, marami kasing touches sa bola ang San Mig Coffe star at very unpredictable rin ang kilos nito kaya’t mas mataas ang posibilidad na ma-injure ang bumabantay rito.

“Hindi naman dirty player si James. Wala sa personality niya yun. Talagang siya kasi ang first option sa offense nung team niya kaya sa kanya ang focus ng depensa,” pananaw ni Duremdes, na dating kasamahan ni Lassiter sa Powerade Tigers last year.

Read Next
EDITORS' PICK
MOST READ
Don't miss out on the latest news and information.

Subscribe to INQUIRER PLUS to get access to The Philippine Daily Inquirer & other 70+ titles, share up to 5 gadgets, listen to the news, download as early as 4am & share articles on social media. Call 896 6000.

TAGS:
For feedback, complaints, or inquiries, contact us.

© Copyright 1997-2024 INQUIRER.net | All Rights Reserved