Close  

ANO ANG LATEST KAY GARY DAVID?

09:14 AM December 23, 2012
*/?>

Sa pagsabak sa aksyon sa Dubai International Cup ng Gilas Pilipinas, may isang offensive option na mawawala sa pambansang koponan.

Hindi kasi makakasama ng Coach Chot Reyes-mentored squad ang reigning PBA scoring champion na si Gary David.

Nakakitaan kasi ng bugbog sa kanyang left ankle ang 34-year-old Dinalupihan, Bataan native.

“Mahina yung kaliwang bukong-bukong ko. Side effect daw ito ng sobrang rehab ko nung na-injure yung MCL ko. Pero buti na lang walang bone spur, kaya mas mabilis ang recovery ko,” sambit ng GlobalPort Batang Pier superstar.

FEATURED STORIES

Pero mangangailangan naman si David ng at least 3 weeks para mag rehabilitate at mag strengthening.

“After Christmas, mag-the-therapy na ako. Tapos first week of January rehab na. At least, hindi ako mawawala o ma-a-absent sa next campaign ng Batang Pier,” pagtitiyak ni David na umaasang 100% ulit ang kanyang kundisyon sa pagbubukas ng PBA Commissioner’s Cup sa February 8.

*   *   *

“Nasaktan talaga ako ngayong Philippine Cup. Hindi man lamang ako nakatikim ng panalo. Yung nag-iisang W ng GlobalPort, injured ako nun.”

Ito ang malungkot na pahayag ni Batang Pier superstar Gary David nang makausap ng Frost Byte ilang linggo matapos magwakas ang kampanya ng team sa All Filipino conference.

Magugunitang sa kaparehong torneo nuong isang taon maraming pinahanga si David at ang Powerade Tigers, ang prangkisa na binili ng GlobalPort.

“Nag Finals pa kami (Tigers) last year, kala ko tuloy-tuloy na. Pero ganun talaga. Bago yung team. Bago yung mga kakampi ko, bago pa yung coach,” nakayuko na kwento sa amin ni Gary.

Sa ngayon ay umaasa si David na makukuha nila ang tamang chemistry na hindi nakamit ng koponan ngayong Philippine Cup.

Kasabay nito, inamin ng 3-time PBA Scoring Champion na marami siyang gustong ibigay na inputs sa coaching staff at management na posibleng magbigay ng panibagong dimension sa team.

“Marami sana akong gustong i-suggest. Pero siyempre, hindi naman hinihingi ng management yung input ko. Kaya tahimik lang ako,” pagsasara ng isa sa top contenders ng nakalipas na MVP race.

Read Next
EDITORS' PICK
MOST READ
Don't miss out on the latest news and information.

Subscribe to INQUIRER PLUS to get access to The Philippine Daily Inquirer & other 70+ titles, share up to 5 gadgets, listen to the news, download as early as 4am & share articles on social media. Call 896 6000.

TAGS:
For feedback, complaints, or inquiries, contact us.

© Copyright 1997-2026 INQUIRER.net | All Rights Reserved