PBA Fan Blog: A diehard San Miguel Beermen fan

Are you a big PBA fan?  Want to express how passionate you are for your favorite team or player?  Write about it and you might just get your work published on PBA.ph! Send us your blog entries (min. 8 paragraphs) along with a photo of support to: pba@inquirer.net. Best entries will be appear on PBA.ph and PBA’s social media accounts.

A diehard San Miguel fan: Katrina B. Mabborang.

Hi PBA! This is Katrina B. Mabborang from Tuguegarao City, Cagayan. Kabilang po ako sa PBA addicts. I’m a die hard SAN MIGUEL BEERMEN fan. It started way back 2008, when SMB grabbed the Fiesta Conference Championship title.

As a child before, both parents ko ay mahilig manood ng PBA and I always hear of “San Miguel Beermen,” pero I just ignored it kasi wala pang excitement when it comes to PBA (puro cartoons at movie ang trip). After 14 years, kung saan nagiging mature na, medyo nagsasawa na ang parents ko sa kanonood, kaya may isang gabi na nilubos kong solohin ang TV and accidentally na nailipat ko ang channel sa PBA.

I noticed na game 1 ng Fiesta Conference at napakaintense ng laro. Habang nagfofocus sa live game, nagkataong humahanga ako sa Beermen sa ganda ng team play nila. Maging sakanilang fans, marami at madisiplina sa pagcheer. They lost game 1, pero sila ang nanaig sa puso ko. So I thought of watching the games and SMB became my bet until game 7, which the Beermen won and for the championship. Ever since, I started watching PBA, especially if SMB ang may laro. It was during the time of the BIG 5 and Danny Ildefonso Era with Danny Seigle, Olsen Racela, Dondon Hontiveros and Belasco. It also encouraged me to watch PBA Vintage games and those games on Youtube as well (SMB ball games since their debut year). I was really impressed sa bawat laro at sa crowd every time they have a game. I always hear from the commentators na ang SMB has the most numbers of championship titles, runners up. They are the most popular team along with Ginebra, one of the most popular PBA team of all time if not most popular. “This is the greatest PBA team,” some say. So napakainteresado ko sa SMB as years went by. Laging nakikipagpustahan sa mga kaibigan kahit 10 pesos lang (pang-load), kaso mahirap makahanap ng makapusta kasi karamihan ay kakampi.

During my high school and college years (2008-2010, 2010-15), I really wish na mapanood ko in person ang Beermen someday, kahit once lang (kasi wala pang sariling pera pa nuon,) makalapit at makapicture and SMB superstars, lalo na sina Arwind Santos, Junemar Fajardo, Marcio Lassiter, Alex Cabagnot, Mike Cortez, Jay Washington, Joseph Yeo, Lordy Tugade, Mick Pennisi, Jonas Villanueva, Marc Pingris (during his SMB days) etc. including my most favorite import “Gabe Freeman,” and the Big 5. Sa lahat, ang pinaka-number 1 kong idol ay si Demolition Man “Lakay” Danny Ildefonso. When I graduate, I moved to Manila alone para doon magtrabaho (May 2015). Luckily, nagkaroon ako ng trabaho.. Since I moved to Manila, I always planned to watch SMB games, kasi mapanood ang SMB in person ang pinakahahangad kong gawin sa Manila aside sa work. Pero dahil I was working during night or afternoon shift  from June to December 2015, kaya hindi ko maituloy-tuloy na sila’y panoorin sa kanilang games, na miss kong makitang mapanalunan nila ang Governor’s Cup Championship.

It was in January 2016 when I started having personal and medical problem at my work, kaya pinagdedesisyon kong magresign as early as I can. I submitted a resignation letter on January 3 and naapproved agad, effective on January 27. May plan was to go back immediately to my home town kung maiprocess agad ang aking clearance. Since I’m at night shift parin at laging inaantok, I wasn’t able to surf net kaya hindi na ako updated sa PBA.

Nung papalapit na ang last days ko sa Manila at bigla nalang na parang laging nagpapapansin ang number “22” sakin? Three days ko itong nakikita at naririnig saan man ako magpunta. Kahit sa boarding house man, sa jeep, sa Edsa, sa bus, etc. Nung pinagtemporary locker ako sa work at pinapili ako ng locker number, ang una kong nakita ang number 22. At bakit parang may ibig sabihin?

Naisip ko bigla yung plan ko na bago ako umalis ng Manila, at dahil malabon ng bumalik pa, dapat makanood ako ng laro ng Beermen. Medyo nawalan ako ng pag-asa kasi  sa pagkakaalam ko, tapos na 2 weeks ago ang PBA All-Filipino Finals between Alaska and SMB. Buti naisipan kong bisitahin ang SMB at PBA official fan page, dun ko nakita na kasalukuyan pa pala ang Finals. But four days later, I heard  na delikado pala ang SMB at ang tinatawag nila”BEERACLE.” Muntik na pala silang ma-sweep nang Alaska. Since 3-1 na ang series, napaisip ako kung kailangan ko ba silang panuorin? Baka masayang lang ang pera ko sa ticket?  Baka wala nang chance.

Pero tuluyan paring nagparamdan yung 22, kaya lalo akong napaisip. Ako kaya itong number na to? Bigla kong naisipang tignan muli ang history ng SMB to check out sa number of titles nila. Dun ko nalaman that they are looking for their 22nd title.  Ito pala ang “22” na laging nagpaparadaman. Dun ko na-decide na kailangan ko silang panoorin even na dehado na sila. I promised myself na papanoorin sila at least once lang, and I would prefer na it be during the Finals. Pero bago mangyari yon, kailangan muna nila umabot sa game 6 at manalo. Hindi naman ako nabigo dahil nanalo pa sila. So hindi ko na ito pinalampas.

With Game 7 set on February 3, naisip ko na February 1 palang bumili na ng tickets for me and my cousin. Pero unfortunately, hindi ko naatupag kasi inuna ko muna ang clearance ko. So I decided to buy on the day of game 7.

Desidido talaga akong manood. Nagpagawa ako ng banner sa pinsan ko at pumaroon kami sa MOA ng maaga ng tanghali para kahit papano, general admission or upper box ang mabili kong tickets para tipid. Pero yun pala, 2 days ago na palang sold out lahat. Nag-dala ako ng extra cash  at baka sakaling may available sa lower box or VIP. Pero sold out na talaga lahat. Buti nalang binuksan ang lower box standing. Nag-alinlangan pa ako nung una kasi feeling ko, lugi dahil same price lang sa pwesto na may seats. Pero nanaig pa rin ang positivity ako. Andun na kami, sulitin na. Malabong babalik kana dito pagkauwi mo sa probinsya mo. Don’t waste the chance. Let’s pray for a passionate win. At ‘yun, bumili na ako.

May this best team “SMB” win.

This is the moment! Sa pilahan sa underground part ng MOA, doon ang entrance ng mga players. Gusto kong habulin ang mga sakay nila, kaso takbuhan ang napakaraming lalaki kaya mahirap ng makipagsabayan. Isa pa, bawal daw ang poster at banner sa loob ng MOA kaya wala gaanong may dala. Buti nalang madaming pagtaguan sa bag ng pinsan ko. Hindi napansin ng guard, kay naipasok.

This is it! The real moment I’ve been waiting for. Nung nakapasok na kami, ipinayagpag namin ng pinsan ko ang gawa naming bandera. Hindi naman sinisita ng dalawang magkaibang guard. Hindi ko inexpect na maganda ang nakuha naming pwesto at pwede makakaupo any time. Makikita kapag sa upper front view ng ring. At sa may part pa ng SMB. Nilubos-lubos ang kahihiyaw kahit sobrang sakit ng lalamunan. Sayang lang at hindi masyadong nagfocus ang PBA sa mga audience, kaya hindi gaanong napansin ang poster namin. Buti nalang may mga cameramen sa iba’t grupo ng SMB fan clubs na madaming beses kaming kinuhanan. 🙂 Nakakatuwang isipin na karamihan sa katabi namin ay nakipose at nagpapicture sa banner ko gamit ang kanilang kanya-kanyang cellphone.

After San Miguel won the title, swerte ay pagkalabas sa Arena ay sabay ang palabas ng ibang VIP at nakipagpicture kami. Nagkataon ding nadaanan namin ng pinsan ko ang room nina Arwind Santos at Alex Cabagnot along MOA UG (transparent glass).  Ang bait ni Arwind, kahit kinukulit na sya ng staff para umalis na sila ay ipinagpapaliban nya ito para lang mapagbigyan nya kami na makapicturan sya kahit hindi namin sya mahawakan. Sa tutusin, kumakaway sya samin at inilalapad ang kanyang mga kamay sa kamay naming fans na nakadikit sa glass. Napahumble ni Arwind, idol talaga.

Bago umuwi sa siyudad na kinaroroonan, balak kong bumili ng authentic SMB Jersey. Saan man ako magpunta, ay marami akong nakikitang mga tao na kasuot ng SMB jersey nila, maging sa mga naunang panahon gaya nina Ramon Fernandez, Allan Caidic, Racela, Hontiveros, Belasco, Seigle, Tugade, etc. Pero mas ninanais ko parin na ang bilhin kong jersey ay ang pinakabonggang si Danny I. Nilibot ko lahat ng malls na may Sports wear department, sa lugar na may PBA Accell products pero phased out na daw kay Ildefonso, kaya sorry sakin. Huli kong napuntahan ang MOA, balak ko sana ay generic nalang, kaso out of stock lahat ng deptarment store.

Since retired na si D.I. at may bagong pinakasuperstar sa PBA at ang bagong franchise player ng SMB na binansagang The Future of Philippine Basketball: Junemar Fajardo. Kanyang jersey nalang ang binili ko, saktong sumasabay sa panahon.

READ NEXT

Vanguardia puts premium on hard work as he takes over Phoenix

Outbrain