Close  

PBA Fan Blog: Finding forever as a true-blooded Alaska Fan

04:11 PM June 15, 2016
*/?>

Are you a big PBA fan? Want to express how passionate you are for your favorite team or player? Write about it and you might just get your work published on PBA.ph! Send us your blog entries (MAXIMUM 900 words) along with a photo of support to: [email protected]. Best entries will be appear on PBA.ph and PBA’s social media accounts.

I am LEONIFLOR V. SUYAT, from URDANETA City, PANGASINAN. A proud passionate, die-hard and a real deal true-blooded Alaska Aces fan, since birth (I believe)! ☺ I have found my sporty fanatic side since the first day I watched the game of my beloved Alaska Aces—when they were still callled the Alaska Milkmen. Yeah, I’ve been an Alaska fan since Johnny Abarrientos era—since sixteen years ago (ouch! Let’s not talk about my age, ha-ha) up to forever.

LEONIFLOR V. SUYAT, from URDANETA City, PANGASINAN.

LEONIFLOR V. SUYAT, from URDANETA City, PANGASINAN.

Funny thing,  but I started to believe in such thing as forever when I fell in love with my Alaska team. Cheesy but yeah, I am in love with the Alaska Aces team!

Though I haven’t witnessed the Grand slam victory, I’m still so proud of the team! Pero hindi dahil sa title na `yon kaya ko nagustuhan ang Alaska—`yon ay dahil nakikita ko sa bawat laro nila ang dedikasyon, passion at teamwork. I was mesmerized with their performances in each of every game.

FEATURED STORIES

Naalala ko pa nga, unang beses akong nanunood ng Alaska game when I was in my second year college, may roadshow sila noon vs Shell (year 2006)—may pasok pa ako noon, kaya after class ay nagmamadali akong nag-out, sakto namang nakabili na noon ang Lola ko ng tickets—na kasama kong manunood along with my cousin. Nevermind na kinabukasan ay exam day namin—nakakatawa nga dahil habang halftime break noon, nagre-review na din ako (don’t worry guys, nakapasa ako noon sa exam ko, highest pa nga yata—joke).

At dahil hindi na naulit ang roadshow nila, nagkakasya na lang ako sa panunood sa telebisyon, kahit hirap na hirap pa ako noon dahil sa TV signal. I even requested sa Mayor namin na imbitahin uli ang Alaska team para maglaro dito sa amin. Wala akong pinapalagpas na laro nila. Natanong nga tuloy noon ng mga kaklase kong lalaki kung tomboy daw ba ako dahil ang hilig kong manuod ng gano’n—pero syempre babae po ako! LOL. At hindi ako seasonal o bandwagon fan o pa-cool girl, dahil noon pa man hanggang ngayon, thru sickness and in health, sadness and happiness, till death ay Alaska fan na talaga ako!

ticket

Tickets when I first watched a PBA game live again.

Naranasan ko na din ang makipagtalo, makipag-debate, makipag-away sa SNS (`wag gayahin, haha) at umiyak nang madami—dahil sa magkahalong saya at lungkot—dahil sa Alaska Aces. Iba kasi ang naging impact ng team sa akin. Kaya nang magka-trabaho na ako, ayon nag-ipon ako para muling maisakatuparan ang matagal nang minimithi ng puso ko—ang makapanood uli ng LIVE game ng Alaska. Year 2012 nang muli akong manuod ng live, nakaka-starstruck! Hindi ako nai-starstruck sa mga nakikita kong artista—pero sa mga basketball players esp. the Alaska players—talagang napapanganga ako, literal! Nanginginig ang katawan ko na nanlalamig na hindi ko ma-explain ang pakiramdam. Gano’n ako kasaya, sobra!

I’m also a Cyrus Baguio fan, nagkakape ba naman sa ere—saan ka pa. Saka napaka-humble at bait niya—actually, silang lahat! Pero syempre hindi maiwasan na may bias—though mahal ko silang lahat from staff to players. Lahat! ☺

Photo with Cyrus Baguio.

Photos with Cyrus Baguio.

Tinitiis ko ang 5-6 hours na biyahe at walang tulog (since lagi akong from night duty kapag game ng Alaska) para makanood. Kung sa TV ay super naa-amaze na ako, iba pala kapag nakanood ka ng live—`yong energy at saya nandoon e, nakaka-hyper, dinaig ko pa ang nakainom ng isang timba ng kape. Naulit uli ang panonood ko ng Live games sa mga sumunod na taon. Nagpapaka-workaholic ako para makanood ng games—hindi kasi biro ang maging fanatic, lalo pa at nasa malayo akong probinsya. ☺

Watching the games live.

Watching the games live.

Dasal. `Yan ang lagi kong baon kapag may laro ang Aces. Lagi ko din silang isinasali sa araw-araw kong pagdarasal at kada-linggo na pagsisimba. Para na kasi silang parte ng pagkatao ko. At ito lang ang maipapangako ko—tatlong beses ko lang mamahalin ang Alaska—noon, ngayon at forever. Iba e!

Sadly, nitong mga nakaraang seasons, medyo nakakaranas ang team ng pagkabigong makuha ang ika-15th championship ring—umabot nga `yong to the point na umiyak na ako sa pagdarasal para masungkit nila ang matagal nang inaasam na title. But unfortunately, hindi pa rin naipagkakaloob. Gayunpaman, naniniwala pa rin ako na ibibigay `yon ni God sa tamang panahon. At ang tamang panahong `yon ay nararamdaman ko na—malapit na malapit na! Basta, nandito lang akong laging nakasuporta para sa kanila. Hindi ako kailanman magsasawa.

Fan signs.

Fan signs.

Tiwala. `Yan salitang hindi nababago ng Alaska sa puso ko.

Pagmamahal. Na kailanman ay hinding-hindi nawala at mawawala.

Paghanga. Forever ko itong mararamdaman sa kanila lalo na sa Alaska team, lalo na kay Sir Fred na super supportive sa team at sa lahat ng coaching staff.

Forever. Ito ang nakatanim sa puso ko—na forever ko silang magiging paborito.

Alaska merchandise collection.

Alaska merchandise collection.

Hindi naman halata na super fan ako with my Alaska collections, e `no? Actually, ilan lang `yan sa mga collections ko. Sabi nga ng family ko, maaari na akong magpatayo ng Alaska Aces merchandise store. Well, sorry to tell you guys, hindi ako magbebenta. Ha-ha. I even made a scrapbook for the Aces—na three years ago ay pinapirma ko din sa kanila, no’ng nanuod ako ng Live game nila.

Mapa-sa-pula, sa itim, sa puti—Alaska Aces forever ako! I love Basketball, I love PBA, I love the Alaska Aces! At hindi lang dito nagtatapos ang fangirl story ko, dahil hangga’t my Alaska Aces, hinding-hindi ako mawawala at magsasawa sa kanila. I am a fan, for life!

Read Next
EDITORS' PICK
MOST READ
Don't miss out on the latest news and information.

Subscribe to INQUIRER PLUS to get access to The Philippine Daily Inquirer & other 70+ titles, share up to 5 gadgets, listen to the news, download as early as 4am & share articles on social media. Call 896 6000.

TAGS: pba, PBA Fan Blog, PBA Fan central
For feedback, complaints, or inquiries, contact us.

© Copyright 1997-2024 INQUIRER.net | All Rights Reserved