Close  

PBA Fan Blog: PBA as my inspiration

05:36 PM June 18, 2016
*/?>

Are you a big PBA fan? Want to express how passionate you are for your favorite team or player? Write about it and you might just get your work published on PBA.ph! Send us your blog entries (MAXIMUM 900 words) along with a photo of support to: [email protected]. Best entries will be appear on PBA.ph and PBA’s social media accounts.

“Sinusundan ko ang bawat laro, ng koponan kong naghihingalo. Sa bawat bolang binibitaw, di mapipigilang mapapasigaw. At kahit hindi relihiyoso, naalala ko ang mga santo. O, San Miguel, Sta. Lucia, sana manalo ang Ginebra…”

Noong bata pa ako, paulit-ulit ko nang naririnig ang kantang iyan. Lumaki kasi ako na napapaligiran ng mga pinsan na basketball fanatic. Kaya naman kahit hanggang ngayon kapag nagvi-videoke kami ay hindi nawawala ang kantang iyan sa aming playlist kahit iba’t ibang team ang gusto namin.

I was eight years old when I started watching PBA. For some, it is too young for a child para maintindihan kung ano talaga ang mayroon sa basketball. Maybe yes, pero at a young age, minahal ko na ang itinuturing na liga ng bayan. Patunay diyan ang nahalungkat kong diary na project namin noong elementary days ko. Nang basahin ko ulit iyon, pulos tungkol sa basketball ang nakalagay doon. I was kinda amused dahil na-realize ko na bata pa pala ay apektado na ako sa laro ng paborito kong koponan which was San Miguel Beermen.

FEATURED STORIES

Nagpatuloy ang pagka-PBA fan ko nang tumuntong ako ng high school. Kung ihahalintulad sa mga celebrity, iyon ang “peak” ng pagiging fan ko. I started collecting posters at iba’t ibang gamit with my favorite players on it. Mayroon din akong notebook na ginawa kong slum book ng mga players. May notebook din ako kung saan nakasulat kung sino ang nagiging best players every game together with their statistics.

At hindi doon nagtatapos iyon. Dahil sa lagi kong bukambibig ang PBA noong high school, naging kakuwentuhan ko ang seatmate ko na fortunately ay fan din. Nang tumuntong kami ng second year, sampu na siguro kaming nagkukuwentuhan. Then came third year, half of our class are talking about basketball. At nang dumating ang senior year, halos lahat ay nanonood na ng PBA. Bakit? Naalala ko ang sabi ng isa kong classmate. “Nessie, ang lakas mong makahawa. Paano naman kaming hindi manonood, halos araw-araw wala kang bukambibig kundi mga laro sa PBA.” Dumating pa ang time na mayroon ng maliit na space sa blackboard ng classroom naming para sulatan ng scores sa nagdaang game. Those were the days. I miss my high school days.

11

Greeting by LA Tenorio.

Then, when I entered college, hindi ko gaanoong naimpluwesyahan ang mga nagging kaibigan ko doon. Ngunit dahil sa panahong iyon ay nauso na ang Facebook at kung ano-ano pang social media account, lumawak ang circle of friends ko na PBA Fan din. Dahil sa group na nasalihan ko (Blazing Beermen Clan) mas lumawak ang kaalaman ko tungkol sa iba’t ibang bagay paukol sa basketball at sa paborito kong koponan. First time kong manood ng live game ng mag-debut ako. Regalo iyon ng pinsan ko sa akin. Hindi ko alam kung ano ang mararanasan nang mga sandaling iyon. Dream come true ang makatuntong sa loob ng Araneta Coliseum. At noong dumating ang 10-10-10, October 10, 2010, I had the biggest surprise gift ever. A video greeting from one of my favorite player, LA Tenorio courtesy of my friend who is also a PBA fan. Nagsisigaw talaga ako sa computer shop nang mapanood ko iyon. At hanggang ngayon, tuwing magbi-birthday ako, ipino-post ko iyon sa Facebook account ko.

Photo with Marcio Lassiter.

Photo with Marcio Lassiter.

Kahit na nakatapos na ako ng pag-aaral, active pa rin ako sa pagiging fan ko. Hindi na ako nagko-collect ng iba’t ibang memorabilia, pero from time to time ako nanonood ako ng live games. One time, nanood kami ng game ng SMB sa MOA Arena. After the game, nag-abang kami ng players sa parking lot. Nang makita ko na si Marcio Lassiter, at ang maakbayan pa niya ako? Men! That was heaven! Para akong mahihimatay. Sabi ko nga noon, himatay lang muna, hindi ko pa keri ang mamatay. Lol! Nagpupunta na rin ako ng team practice ng San Miguel Beermen. At everytime na makikita ko sila nang malapitan, naa-amazed pa rin ako na ito na iyon. Iyong pangarap ko lang dati, natupad na.

Sa ngayon, I’m a freelance romance writer at masasabi kong kahit sa trabaho ko ay nadala ko pa rin ang pagiging PBA fan ko. I had a published book entitled “What Makes You Beautiful” at ang bida kong lalaki sa story na iyon ay isang basketball player sa katauhan ni LA Tenorio. I had given him a copy of my book at sobrang saya ko nang makita kong na-appreciate niya iyon at binasa.

LA Tenorio with romance book "What Makes You Beautiful."

LA Tenorio with romance book “What Makes You Beautiful.”

Nagbabalak na rin kami ng co-writer ko who is also a PBA fan to have a book series na inspired sa ating national team, ang Gilas Pilipinas. I’m wishing and praying n asana ay manalo sila sa darating na mga laban.

And now, I can say na proud ako na maging isang PBA fan. They’ve inspired me a lot. It was such a rollercaster ride of emotion kapag tumutok ka sa mga game. Long live PBA and may you continue to inspire other people like me.

Read Next
EDITORS' PICK
MOST READ
Don't miss out on the latest news and information.

Subscribe to INQUIRER PLUS to get access to The Philippine Daily Inquirer & other 70+ titles, share up to 5 gadgets, listen to the news, download as early as 4am & share articles on social media. Call 896 6000.

TAGS:
For feedback, complaints, or inquiries, contact us.

© Copyright 1997-2024 INQUIRER.net | All Rights Reserved