Close  

PBA Fan Blog: A Jondan Salvador fan from start to the end

09:05 PM July 13, 2016
*/?>

Are you a big PBA fan? Want to express how passionate you are for your favorite team or player? Write about it and you might just get your work published on PBA.ph! Send us your blog entries (MAXIMUM 900 words) along with a photo of support to: [email protected]. Best entries will be appear on PBA.ph and PBA’s social media accounts.

Photos with Jondan Salvador.

Photos with Jondan Salvador.

“Ang pagiging fan, hindi nasusukat sa tagal ng pagsuporta mo sa iyong iniidulo. Kung hindi, nasusukat ito kung paano mo sya pahalagahan at nasubaybayan bilang isang manlalaro.”

Ako po Ezekiel Dormitorio Nitura 22yrs old, nag aaral ng kursong Bachelor of Arts in Political Science major in ParaLegal Studies sa Unibersidad ng Arellano, kasalukuyang Constitutional Representative ng aming Unibersidad sa Political Science Students Association of the Philippines at dating Vice President for External Affairs ng Arellano University Supreme Student Council.

Nag simula ako bilang tagahanga ni Jondan Salvador nung taong 2000. Naalala kong ang karir nya simula nung pahanon nya sa St. Benilde Blazers at kung saan nakapag Mythical 5 noon sa NCAA, hanggang sa makapag laro sya ng Metropolitan Basketball Association para sa Davao Eagles hanggang sa mapunta sya sa Philippine Basketball League na Montaña Pawnshop kung san siya ay pinangalanag MVP. Naalala ko din nung ma-draft sya sa PBA bilang 4th overall pick ng Purefoods.

FEATURED STORIES

Bago pa sya ma-draft, hinding hindi ko makakalimutan ang front page ng magazine na “Inside Out” ni Toni Galang. Ang headline ng front page ay Jondan Salvador: Sparkling Jewel.” Si Jon Dan daw ay isang “boyish smile and clean cut look and can easily be a heartthrob in the movie industry.” Bata palang ako gusto ko na mameet si Jondan, especially noong naka six seasons na sya sa Purefoods kasama na roon ang pag Champion nila.

Kahit hindi pa man ganoon ka sikat ang social media pero kahit paano na sundan ko ang career nya. Sa unang taon ni Jon Dan sa Purefoods, isa sya sa mga maswerteng napili na player ng ating bansa para mapabilang na lumaban sa Jones Cup. Pero maka lipas ang Jones Cup, isang taon sya naman ay na injured sa hindi inaasang pangyayari. Hindin ghindi ko rin makakalimutan ang pag knock-out ni Jondan kay Carlo Sharma noong nag pang abot sila sa loob ng court noong Purefoods kontra Red Bull.

Photos with Jondan Salvador.

Photos with Jondan Salvador.

Hanggang sa dumating yung taong 2009, nakakapanood na ako ng live sa Araneta Coliseum. Pero tuwing nanood ako hindi ko sya nakikita pag nag aabang ako sa lumang parking lot ng Araneta. Ganon pa man hindi ako sumuko bilang taga hanga. Dumating ang taong 2013, nakita ko ang aking kapwa tagahanga na may litrato kay Jondan noon at sa sobrang inggit ko, tinanong ko sya kung saan nag papractice ang team ni Jodan para mapuntahan ko sya, nag research ako sa isang social media account na kinahihiligan din noon ng mga sikat na personalidad mapa pulitiko, artista, kapwa nya basketbolista at marami pang iba; Dahil sa Instagram, nakita ko ang social media account nya pero inisip ko nun baka FAN BASE lang nya yun pero nag try parin ako noon, nag try lang ako mag request na sinulat ko sa isang band paper at pinost ko sa aking Instagram account sabi ko:

“Hi Kuya Jon Dan:
Isa sa wish ko ngayong darating na birthday ko Decem 19 ay sana maka hinge ako ng iyong JERSEY… sana mabasa nyo po ito… para pupunta po ko sa inyong practice sa MORO…SALAMAT PO ☺
Your Fan, Ezekiel Nitura”

Makalipas ang ilang minuto nag reply sya sa akin na> “Cge bigyan kita any jersey ok..Salamat sa suporta…God Bless.” Sa sobrang tuwa ko binalita ko ito sa aking mga kaibigan at sa aking pamilya. Sa sobrang excited ko noon hindi ako maka tulog sa sobrang saya ko at nag edit pa ako ng isang caricature at pina frame ko pa para ibigay din sa kanya. Nung dumating na ang December 19, sya pa mismo nagtanong kung ako ba raw si Ezekiel Nitura sa Instagram.

Hindi ko naman sya binigo bilang tagahanga nya, at maka lipas ang ilang buwan na sundan pa ng dinner ka sama ang kanyang asawa at anak sa Mall of Asia sa Café Medeterian. Siguro noong araw na yun masasabi ko na sa aking sarili na “worth it pala maging fan lalo na pag na sundan mo talaga ang career ng iyong idolo.”

Lumipas muli ang mga araw, oras, buwan lalo kami naging mag ka close sa isat isa hanggang sa na balitaan ko ma trade na raw si Jondan sa Barako Bull. Sinabi ko sa aking sarili na paninindigan ko yung sinabi ko na susundan ko sya hanggang sa huli.

JONDAN 3

Group photos with Jondan Salvador.

Nung malapit na ang birthday nya, nag-organize ako ng isang salo salo kasama ang mga humahanga sa kanya kasama sya para mag enjoy sya. Hindi naman ako binigo ng mga humahanga sa kanya mula sa ibat ibang koponan, naging ma-tagumpay naman ang aking plano. Tanda ko pa noon sabi nya “si Ezekiel ay naging inspirasyon ko rin siya.” Bilang taga hanga, ang sabihan ka non napaka-sarap sa buhay.

Hanggang sa dumating na nga aking kinkatakutan bilang tagahanga nya, ito yung mga araw na hindi ako mapakali dahil wala na syang team na mapupunthan sa PBA. Lagi akong nag tatanong sa sarili ko na “Bakit sya pa, magaling naman sya, ano ba kulang sa kanya?” Sabi ko nalang may edad na din kasi sya, kaya cguro wala ng kumukuha sa kanya pero hindi ako nawalan ng pag-asa. Lagi ko sya minomotivate thru VIBER o pag nagkikita kami, hanggang sa dumating na nakapag laro ulit sya sa Asian Basketball League. Di man siya nakabalik sa PBA pero masaya na rin ako sa kanya dahil kahit papaano hindi sya naalis sa kanyang kinagisnan.

Maka lipas ang ilang buwan na balitaan ko nalang nag give up na si Jon Dan sa ABL dahil sa patakaran ng management na kinabibilangan nyang koponan. Sabi ko nalang, ganun talaga siguro buhay na katulad nila, walang permanente.

Dumating sa punto na sinabi ko sa aking sarili na siguro ayaw ko na mahilig sa mundo ng basketball dahil wala ng isang Jon Dan Salvador Everytime na mag watch ako ng basketball ng live o sa mga ensayo ng bawat koponan andyan padin na papatanong ako sa aking sarili na iba pa din talaga pag ang unang idolo mo ang nakikita mo mag-laro gayun pa man, masaya na ako ngayong bilang taga-hanga gawa nakikilala ako ng iba’t ibang klase ng basketball player, coaching staff, management ng ibat ibang team, kapwa ko tagahanga, photographer sa basketball at marami pang ibat ibang klase ng uri ng tao mapa simple o sikat na tao.

Dalawa siguro sa bonus sa akin bilang tagahanga ay yung naiinterview o nababahagi ko na ngayon yung mga pinagdaanan ko bilang tagahanga at higit sa lahat ang hindi ko inaasahan ay yung mag celebrate ako ng aking kaarawan na kasama si Jon Dan sa TGI Fridays sa Mall of Asia.

Sabi nga ni Jon Dan sa interview sa kanya: “Sa akin, isa siguro yung magka-fan na tulad ni Ezekiel sa masasabi kong success ko as a player.” Sobrang grabe ang suporta sa aking ng bata na yan. sobrang swerte ko na magkaroon ako ng ganyan fan. One in a million ang ganyang klaseng fan. May iba kasing fan, parang paru-paro patalon-talon ng idol. Pero ito talaga solid siya. Yan ang never-say-die fan.”

Sa ngayon, kahit wala na si Jon Dan sa PBA kami ay nagkakaroon parin ng komunikasyon sa isat isa, nakakapag kita parin kami, at pamilya na din ang turing nya sakin at ng kanyang pamilya. Para sa akin ang pag hanga ko ay “hindi ko binabase sa pagiging sikat ng isang manlalaro kung hindi ang pag=trato nito sa akin bilang tagahanga.”

“Being a fan doesn’t mean being there from the start… It means being there till the end.”

Maraming salamat at mabuhay po kayo!!!

Read Next
EDITORS' PICK
MOST READ
Don't miss out on the latest news and information.

Subscribe to INQUIRER PLUS to get access to The Philippine Daily Inquirer & other 70+ titles, share up to 5 gadgets, listen to the news, download as early as 4am & share articles on social media. Call 896 6000.

TAGS:
For feedback, complaints, or inquiries, contact us.

© Copyright 1997-2024 INQUIRER.net | All Rights Reserved