Close  

PBA Fan Blog: A new but already diehard San Miguel fan

07:22 PM August 13, 2016
*/?>
Cris Jandayan, the new but diehard SMB Fan.

Cris Jandayan, the new but diehard SMB Fan.

Ako po si Cris Jandayan, 27 years old. Ako po ay taga-Bohol pero dito ako ngyon sa Quezon City nag-ttrabaho. Isa po ako sa bagong diehard ng SMB. Kahit bago palang po ako akong sumuporta, sobrang addict ko na sa team na yan.

Matagal na po akong nanunupd ng PBA. Marami rin akong naging idol at hinahangaan tulad nina Alvin Patrimonio, Jojo Lastimosa at Johnny Abarientos. Matagal ko na silang iniidolo pero hindi kasing die hard tulad ng nararamdaman ko ngayon.

Pagkatapos ko mapanood ang laro ng San Miguel, nung maging ZERO to HERO sila nung PBA All-Filipino Cup, dun talaga ako bumilib sa kanila. Kasama na po ako sa nagdadasal lalo na nung na-injured si June Mar Fajardo. Isa talagang Beeracle ang nangari at bumilib ako dahil hindi sila sumuko at hindi rin nawalan ng pag-asa.

Nakikipagaway pa nga po ako sa mga katrabaho kong mga lalaki kapag may sinasabi silang masama laban sa San Miguel. Hindi po talaga ako nagpapatalo. Pinagtatanggol ko ang team ko dahil napamahal nadin ako. Minsan naiiip ko bakit sobrang pinagtatanggol ko sila? Bakit nasasaktan ako pag inaasar ako ng ibang tao? Ngayon ko na-realize na mahal ko na talaga ang SMB team na yan. Masaya ako pag nakikita ko silang naglalaro, pang kumpleto ng araw ko.

FEATURED STORIES

Nalungkot ako nung PBA Commissioner’s Cup. Never talaga akong bumitaw sa laro. Everytime na may laro sila, kahit may OT work ako pinipilit kong makapanood sa TV ng company namin. Tumatakas ako para makasilip sa laro nila. Minsan nakikinig nalang ako sa radyo para kahit papano ma-feel ko na naka-support parin ako sa kanila kahit hindi in person.

Pag natatalo sila, kinabukasan wala talaga akong gana. Siyempre mahal ko yung team na yan eh. Kahit bago palang akong susumporta. Minsan wala naman sa tagal or sa taon yan, basta minahal mo yung team na yan at buong puso mo silang sinusuportahan. Ganon ako sa SMB.

Noong semi finals ng Rain or Shine vs San Migue game 4, bumili talaga ako ng ticket para masaksihan ko sila na hindi sumuko sa laban. Isang laro nalang ay laglag na sila. Nakita ko sa mga kilos nila na pagod na sila. Sobrang lungkot ko nun. Naisip ko nalang na baka may plano si God para sa kanila at kailangan na nilang magpahinga.

Kahit maikli lang itong kwento ko, gusto kong iparating sa inyo na isa po akong diehard fan ng San Miguel, isang taong sobrang humangan sa team na yan. Pangarap ko silang makita lahat at magkaron ng selfie lalo na sa kanila Alex Cabagnot at Chris Ross.

Sana po maiparating nyo sa San Miguel na hindi ako magsasawang sumuport at magmahal sa team nila. Maraming salamat.

Read Next
EDITORS' PICK
MOST READ
Don't miss out on the latest news and information.

Subscribe to INQUIRER PLUS to get access to The Philippine Daily Inquirer & other 70+ titles, share up to 5 gadgets, listen to the news, download as early as 4am & share articles on social media. Call 896 6000.

TAGS:
For feedback, complaints, or inquiries, contact us.

© Copyright 1997-2024 INQUIRER.net | All Rights Reserved