BOWLES AYAW I-RELEASE SA CHINA, SAN MIG COFFEE SUSUBUKAN MUNA SI ROGERS
Bukod sa pagpapalit ng import choice, wala nang iba pang movement na dapat asahan sa San Mig Coffe Mixers.
Ito ang tiniyak ni team governor Rene Pardo, na nag-anunsiyong si Matt Rogers na ang ipaparada nilang import sa asam na maidepensa ang kanilang PBA Commissioner’s Cup crown.
Giit ni Pardo nais nilang i-maintain ang kanilang intact na roster.
“Wala, wala kaming movements, no trade talks or whatsoever,” sagot ni Pardo na halatang nakapag-move-on na mula sa kanilang mapait na Philippine Cup campaign.
At dahil sa ang first choice na si Denzel Bowles ay hindi makakuha ng release sa Zhejiang Golden Bulls Sa Chinese Basketball Association, napwersa silang tapikin ang dating Southwest Universirty Baptist standout na si Rogers.
Kwento ng amiable team official, si Rogers ang talagang una nilang niligawan nuong isang taon bago nila na-kontak si Bowles.
“Last year pa kinukuha ni Coach Tim (Cone) yan kaso hindi available at naglalaro sa Spain, kaya si Denzel ang nakuha naming,” saad ni Pardo na nag-giit na si Bowles pa rin ang kanilang priority matapos ang commitment nito sa China.
“Denzel wants to come home. He wants to come home. Definitely interesado si Bowles na bumalik sa amin kaya lang hindi siya nakakuha ng clearance at naglalaro na siya ulit dun (sa China).”
Pero hindi nagdalawang isip si Pardo na sabihing willing silang ipanatili sa pwesto si Rogers kung maganda ang ipapakita nito sa next conference na bubuksan sa February 8.
“Kung maganda ipapakita ni Matt, eh di siya na ang itutuloy-tuloy namin. At least that’s a good problem for us to solve,” wika ni Pardo sa kanilang 6-11 find.
Ang 25-year-old na si Rogers ay ka-batch ni dating Petron Blaze Boosters import Nick Fazekas (1st pick) noong 2010 NBA D-League Draft kung saan siya ay nabunot na 4th overall ng Texas Rangers.
Nag-average ito sa D-League ng 7.4 pts at 4.3 rebounds kada laro, bago sumanib sa Charlotte Bobcats at Indiana Pacers sa Summer League nuong 2011 at 2012.
Hindi naman ganun ka-impresibo ang ipinakitang numero ni Rogers sa Leyma Basquet Corona sa Spanish League, dahil sa kanyang pagtayo bilang back-up center, nagtala lamang ito ng 3.7 pts, 2.2 rebounds at 0.4 assists sa 11 games ngayong season. (SBadua)
Subscribe to INQUIRER PLUS to get access to The Philippine Daily Inquirer & other 70+ titles, share up to 5 gadgets, listen to the news, download as early as 4am & share articles on social media. Call 896 6000.
