Close  

INAASAHANG BUBUHAT SA GINEBRA DARATING NA SA LUNES

09:11 AM February 17, 2013
*/?>

pba ginebraSa Lunes na ng umaga ang dating sa bansa ng bagong import ng Barangay Ginebra San Miguel na si Vernon Macklin.

Sakay ng Philippine Arilines flight PR105, si Macklin ay inaasahang agad na sasama sa ensayo ng Kings sa Martes ng umaga. Ito ay kung hindi magdedesisyon si coach Alfrancis Chua na magconduct ng practice sa Lunes.

Sa laban kontra Petron Blaze Boosters sa araw ng Linggo ay si Herbert Hill pa rin ang gagamiting reinforcement ng Ginebra.

Bagama’t maraming fans ang humihiling na siya ay mapalitan na, nagpakita ng winning attitude si Hill nang pamunuan nito ang Ginebra kontra sa GlobalPort sa paghamig ng 22 points, 19 rebounds at 2 blocks .

FEATURED STORIES

Kahit ang ilang mga kakampi ni Hill ay naawa na sa mabait na import dahil ito ang pinagbubunturan ng sisi ng mga fans sa 0-2 record ng Ginebra.

Pero sa isang import-laced conference, lalo na ngayon na unlimited height ang format, talagang lalabas ang kawalan ng Kings ng sasandigan sa gitna.

Aminado si Chua na isa ang Ginebra sa undersized teams ngayon sa liga.

Maraming international basketball observers ang naniniwalang malaki ang maibibigay na tulong ni Macklin sa kampanya ng “barangay.”

Maging ang kilalang import agent na si Sheryl Reyes ay nagsabing “good pick si Macklin.”

“Magaling si Vernon. Very strong at masipag,” ayon kay Reyes, na inihahalintulad ang talent ni Macklin sa pabalik na import ng San Mig Coffee Mixers na si Denzel Bowles.

Ang 6-10 na si Macklin ay lumaro sa Detroit Pistons sa NBA Summer League noong isang taon, bago ibinaba sa Fort Wayne Mad Ants sa D-League kung saan nag average ito ng 15 ponts at 14 rebounds kada laro.

Bago tumulak patungong Pilipinas, si Macklin ang isa sa mga top power forwards ng Rio Grande Valley Vipers at may average na 14.6 points, 8.3 rebounds at 1.5 assists per game.

Sa napipintong pagsanib ni Macklin sa Ginebra, umaasa ngayon ang fans ng crowd favorite squad na titigil na ang pagbulusok ng koponan.

Dito rin ngayon maaring lumabas ang sagot sa tanong ng marami… Import nga ba talaga ang problema?

Read Next
EDITORS' PICK
MOST READ
Don't miss out on the latest news and information.

Subscribe to INQUIRER PLUS to get access to The Philippine Daily Inquirer & other 70+ titles, share up to 5 gadgets, listen to the news, download as early as 4am & share articles on social media. Call 896 6000.

TAGS:
For feedback, complaints, or inquiries, contact us.

© Copyright 1997-2024 INQUIRER.net | All Rights Reserved