Close  

INTAL LALARO NA, MALIKSI INJURED

09:15 AM February 17, 2013
*/?>

pba intal

Good news at bad news sa mga fans ng Barako Bull Energy Cola.

Unahin natin ang magandang balita.

Lalaro na sa kauna-unahang pagkakataon ang bagong acquire na small forward ng Barako Bull na si JC Intal ngayong Linggo kontra sa Alaska Aces.

FEATURED STORIES

Si Intal ay absent sa first two games ng Energy Cola ngayong Commissioner’s Cup dahil kinailangan nitong paghilumin ang huminang meniscus (litid sa tuhod).

Ang injury na ito ang nag sideline kay Intal noong nasa San Mig Cofee Mixers pa siya nung isang taon.

“Ok na yung injury ko, pinalakas ko lang para hindi magpabalik-balik,” wika ng gwapong wingman.

Hindi naman magiging problema para kay Intal ang pag-integrate sa sistema ng kanyang bagong team.

“Noong Lunes kasi nagpa 5-on-5 sina Coach Bong (Ramos) at Rajko (Toroman)… Saka matagal na akong nag-observe ng play nila,” dagdag ni Intal na puro papuri sa mga bagong opensa ng Barako Bull.

Naniniwala rin ang dating Ateneo Blue Eagle na may potensyal ang Energy Cola kung maayos na nilang maipapatupad ang sistema ng team.

“Tingin ko mas OK ngayon. Nakikita ko eh,” dagdag pa nito habang nakangiting iniisip ang magandang 2-0 win-loss record ng George Chua franchise.

Samantala, ang bad news.

Doubtful starter naman ang high scoring guard ng Barako Bull na si Allein Maliksi.

Ayon kay coach Ramos, namaga ang kaliwang paa ni Maliksi matapos magtamo ng bad sprain. Ang kaparehong injury ay ang ininda ng Kalookan City dribbler noong nakaraang taon nang siya ay nasa Barangay Ginebra San Miguel pa.

“Maga yung paa niya. Magang-maga,” iiling-iling na kwento ni Ramos.

Pero sa panig ni Maliksi, pipilitin umano niyang ilaro ang injury.

“Manageable naman yung sakit. Kaya susubukan ko pa rin lumaro,” tugon ng first PBA D-League MVP.

Batbat ng injury ang Barako Bull ngayong kabubukas na season matapos pare-parehong ma-sideline sina Rico Villanueva (ACL), Sean Anthony (Achilles tendon injury), Emman Monfort (fractured hand), Celino Cruz (fractured hand) at Roger Yap (bone spurs). (SBadua)

Read Next
EDITORS' PICK
MOST READ
Don't miss out on the latest news and information.

Subscribe to INQUIRER PLUS to get access to The Philippine Daily Inquirer & other 70+ titles, share up to 5 gadgets, listen to the news, download as early as 4am & share articles on social media. Call 896 6000.

TAGS:
For feedback, complaints, or inquiries, contact us.

© Copyright 1997-2024 INQUIRER.net | All Rights Reserved