Close  

BALKMAN BIBIGYAN NG PAGKAKATAONG MAGPALIWANAG

10:44 PM March 09, 2013
*/?>

Ipinatawag ni PBA Commissioner Chito Salud si controversial Petron Blaze Boosters import Renaldo Balkman sa kanyang opisina sa Lunes, alas onse y medya ng umaga .

Ayon sa abugadong kumisyunado, nais niyang bigyan ng pagkakataon ang American cager na ipagtanggol ang kanyang sarili matapos na magwala ito sa laro kontra Alaska Aces noong Biyernes ng gabi.

“While I have already reviewed the incident in question, due process dictates that he be given the chance to be heard,” wika ni Salud.

FEATURED STORIES

“From what I have seen, he would need to have a persuasive explanation to justify his behavior before our fans and the sporting public”, dagdag pa nito.

Umaasa rin si Salud ng katanggap-tanggap na paliwanag mula kay Balkman matapos na atakihin nito ang mga referee para magreklamo, bago isa-isang itulak ang kanyang mga kakampi na kinahatungan ng pagsakal kay Arwind Santos.

Iiling-iling rin na sinabi ni Salud na kakaibang kaso ang kanilang didinggin ngayon.

Bihira aniya na may isang player ang umatake sa kanyang kakampi sa harap ng libo-libong spectators sa venue at milyong-milyong viewers sa buong mundo.

“Kakaiba talaga ito, ibang treatment ang gagawin natin dito,” giit pa ni Salud, na tumanggi pang ihayag kung ano ang kanyang assessment bilang pinuno ng liga.

Samantala, binibigyan naman ng buong kalayaan ng Games and Amusement Board (GAB) ang PBA na mag conduct ng imbestigasyon sa kaso ni Balkman.

Sa pahayag ni GAB Commissioner Atyy. Aquil Tamano, isang independyente at pribadong organisasyon ang PBA kaya’t hahayaan nilang ipatupad ng batas at due process dito.

Pero binigyang diin ni Tamano na bilang chief professional sports regulatory agency ng bansa, kanilang susulatan ang liga upang hingan at alamin kung ano ang magiging parusa nito kay Balkman.

“The PBA should investigate this matter and provide specific sanctions according to their rules,” paliwanag ni Tamano.

Samantala, todo hingi naman ng patawad sa kanyang mga kakampi at maging sa fans ang dating NBA player.

Sa pahayag ng isang malungkot at naghihinagpis na Balkamn, sinabi nito na kinaiinisan niya ang kanyang sarili sa kanyang mga nagawa.

“I hate myself for what I did, it was the heat of the moment, I was frustrated, but I should not have done that,” paumanhin ng 6-6 forward. (SBadua)

Read Next
EDITORS' PICK
MOST READ
Don't miss out on the latest news and information.

Subscribe to INQUIRER PLUS to get access to The Philippine Daily Inquirer & other 70+ titles, share up to 5 gadgets, listen to the news, download as early as 4am & share articles on social media. Call 896 6000.

TAGS:
For feedback, complaints, or inquiries, contact us.

© Copyright 1997-2024 INQUIRER.net | All Rights Reserved