Close  

LUTZ MAKAKABALIK NA

09:22 PM March 27, 2013
*/?>

Nalalapit na ang pagbabalik aksyon ni Petron Blaze Boosters star Chris Lutz.

Ang dating national team cager ay may iniindang bruised ribs, dahilan kaya’t mahigit isang buwan na itong nakapahinga.

“It’s getting better, hopefully right now after the holiday break, I can practice,” wika ni Lutz sa panayam ng FrostByte.

FEATURED STORIES

Ngayong Commissioner’s Cup ay isang laro pa lamang nasisilayan ang all around guard.

Inamin rin ng 28-year-old former Purdue University standout na may manakanaka pa ring pananakit ng kanyang tadyang, pero hindi na umano sing lala noong araw.

“There is still pain, but I hope it feels better when I go back to practice,” dagdag pa ni Lutz, na maari nang sumama sa ensayo ng Boosters simula sa Linggo.

At upang kahit papano ay mapanatili ang kanyang stamina at kundisyon, madalas na mag jogging at biking ang 6-3 sentinel.

“I know that is totally different than being out on the court, going up and down, playing defense… But it will get there as well,” paliwanag nito.

Target ni Lutz na mag suit up na kontra Alaska Aces sa Miyerkules, pero mas malamang ay sa April 5 laban kontra Meralco Bolts pa ito makalaro.

Malaking bagay si Lutz sa opensa ng Petron lalo’t sa kanyang unang dalawang season sa PBA ay nag average ito  ng 14.9 points, 4.0 rebounds, 3.9 assists at 1 steal per game.

Importante na rin ang agarang pagbabalik ni Lutz lalo’t hindi pa rin tiyak kung kalian makakalarong muli ang bagong injured guard ng Blaze Boosters na si Joseph Yeo.

Si Yeo ay nagtamo ng fractured hand at malamang ay mawala ng apat na linggo.

Read Next
EDITORS' PICK
MOST READ
Don't miss out on the latest news and information.

Subscribe to INQUIRER PLUS to get access to The Philippine Daily Inquirer & other 70+ titles, share up to 5 gadgets, listen to the news, download as early as 4am & share articles on social media. Call 896 6000.

TAGS:
For feedback, complaints, or inquiries, contact us.

© Copyright 1997-2024 INQUIRER.net | All Rights Reserved