Close  

DEVANCE MALAMANG MAKALARO NA SA MIYERKULES

07:20 PM March 30, 2013
*/?>

Matapos ang mahigit dalawang linggo, ibinalik na sa line-up ng San Mig Coffee Mixers si big man Joe Devance.

Ang 2007 No.1 overall pick na si Devance ay may ilang larong nagpaliban sanhi ng hyperextended left knee, na nakuha niya matapos humampas ang kanyang tuhod sa defender na si Clifford Hodge ng Meralco Bolts.

Pero ayon kay San Mig team doctor Raffy Sanchez, nakasama na sa ensyao ng team sa kauna-unahang pagkakataon ang 6-7 wingman.

FEATURED STORIES

“OK naman yung ensayo niya, andun pa rin yung kilos… kaso walang hangin,” wika ni Sanchez, na nagbunyag na maaring hindi pa isalang ng team si Devance sa Easter Sunday game kontra Barako Bull Energy Cola.

“Malabo pa yun, target namin is Wednesday against Talk n Text paglaruin ulit si Joe,” paliwanag ni Sanchez.

Samantala, kung postibong balita na ang pagkaka line-up muli kay Devance, hindi naman maganda ang magiging dating ng severe back spasms ni starting guard Mark Barroca.

Ang dating Gilas Pilipinas co-team captain ay hindi sumabak sa ensayo ng San Mig Sabado ng umaga.

“Matindi daw yung sakit ng likod niya, kaya niresetahan ko na lang siya ng gamot,” ayon pa sa San Mig physician.

“Pero bumubuti na raw at maganda yung improvement ng likod ni Mark, so kailangang obserbahan pa mula ngayon hanggang bukas (Sunday morning) dun pa lang malalalaman kung makakalaro na siya o hindi pa,” giit ni Sanchez.

Ang isa pang may injury sa Mixers camp na si Alex Mallari ay mapupwersang lumaro kahit pa may masakit na bukong-bukong at maga ang tuhod.

“Nag ensayo na siya, pero obligado na sumabak sa aksyon si Alex, kasi dalawa na lang sila ni Mark na nagpapalitan halos sa 1-guard spot,” ani Sanchez.

Bukod sa bakbakang San Mig Coffee at Barako Bull, ang engkwentro ng Rain or Shine Elasto Painters at Air21 Express sa opening salvo ang isa pang dapat abangan ng mga PBA fans ngayong Pasko ng Pagkabuhay.

Read Next
EDITORS' PICK
MOST READ
Don't miss out on the latest news and information.

Subscribe to INQUIRER PLUS to get access to The Philippine Daily Inquirer & other 70+ titles, share up to 5 gadgets, listen to the news, download as early as 4am & share articles on social media. Call 896 6000.

TAGS:
For feedback, complaints, or inquiries, contact us.

© Copyright 1997-2024 INQUIRER.net | All Rights Reserved