TICKING TIME BOMB
Huwag kayong magtaka kung may isang PBA player ang biglang aalma at manghingi ng trade ano mang araw ngayon.
Ayon sa aming kuliglig, pinangakuan diumano ang player na ito ng incentive ng kanyang team owner, subalit hanggang ngayon ay hindi pa rin ito ibinibigay.
Ang masakit dito, ang ibang kakampi ng player na napangakuan ay naibigay na ang added incentive.
Sayang, magaling pa naman ang player na ito.
Katunayan, sa sobrang husay nitong offensive player, apat na higanteng koponan ang umaasinta sa kanya.
Dati nang napapabalitang ma-te-trade ang player na ito na dati ay alumpihit nang mailipat sa ibang koponan.
Subalit dahil nga sa kanyang pagtanaw ng utang na loob sa management, nagpasya ang Kapampangang player na ituloy ang pananatili sa team.
Tinatayang sa loob lamang ng isang buwan ay magkakaroon na ng hakbang ang player at ang kanyang agent, sakaling patuloy silang isnabin ng management.
Kumbaga, parang bomba na sasabog ito pag nagkataon.
Subscribe to INQUIRER PLUS to get access to The Philippine Daily Inquirer & other 70+ titles, share up to 5 gadgets, listen to the news, download as early as 4am & share articles on social media. Call 896 6000.