Close  

ABANGAN ANG SUSUNOD NA KABANATA

11:12 PM June 18, 2013
*/?>

Sa mga oras na ito… Tahimik na tahimik pa ang trading market.

Matapos ang blockbuster player swap na naganap noong nakaraang linggo kung saan nalipat sa Ginebra si Japeth Aguilar, napunta sa GlobalPort si Jay Washington at na-acquire ng Barako Bull si high flying wingman Elmer Espiritu, wala pang bagong transaksyon ang naisasakaturapan.

Pero hindi tayo magugulat kung sa mga susunod na lingo – baka nga araw lang – mayroon ulit bumulaga na mga player swapping.

FEATURED STORIES

Ito kasi ang pinakamagandang panahon para magbalasa ng line-up ang mga teams dahil una, mahaba ang panahon para magprepara at pangalawa maraming mga players ang mag-e-expire ang kontrata.

Hindi pa nababanggit rito ang paparating na PBA Draft, na magaganap sa November 3 sa Robinson’s Place Manila.

Ang isa sa pinakamainit at bunyag na pinag-uusapan ngayon ay kung saan mapupunta ang playing rights ni man-mountain Asi Taulava.

Ang 40-year-old Fil-Tongan slotman ay hot commodity ngayon sa PBA dahil sa muling lalabas ang pangangailangan sa big man ng karamihan sa mga koponan.

Noong nakaraang conference kasi ay hindi naramdaman ang problemang ito dahil nagpatupad ng unlimited import height limit ang liga.

Barangay Ginebra San Miguel at Air21 Express ang mga sinasabing teams na matindi ang pagnanasang makuha si Taulava.

Sa mga koponan ngayon, tanging ang Rain or Shine Elasto Painters at ang Alaska Aces lamang ang naggarantya na hindi sila papasok sa palitan ng tauhan.

Ang Alaska ay galing sa kampyeonato ng Commissioner’s Cup habang ang Rain or Shine ay ang defending champion ng bubuksan sa August 14 na Governors’ Cup.

So hangga’t hindi natin nakikita ang opening tip-off ng season-ending tournament, marami pa – as in – marami pa tayong dapat abangan.

Read Next
EDITORS' PICK
MOST READ
Don't miss out on the latest news and information.

Subscribe to INQUIRER PLUS to get access to The Philippine Daily Inquirer & other 70+ titles, share up to 5 gadgets, listen to the news, download as early as 4am & share articles on social media. Call 896 6000.

TAGS:
For feedback, complaints, or inquiries, contact us.

© Copyright 1997-2024 INQUIRER.net | All Rights Reserved