Close  

PROTECT 12 OR 13

07:52 PM July 11, 2014
*/?>

Matagal nang napag-desisyunan ng PBA Board ang pagbibigay ng flexible scheme sa sampung existing teams ng liga ukol sa bilang ng mga players na kanilang po-protektahan.

Bagama’t nauna nang lumabas ang katagang ‘protect 12’, sinabi ni PBA media bureau chief Willie Marcial na hindi ito ang pinal na napagkasunduan sa loob ng Board room.

“Ano kasi yan eh, may usapan ang mga Board. Na pupwedeng protect 12, pupwedeng protect 13. Pwede ngang protect 10 kung gugustuhin nung ibang koponan,” wika ni ginoong Marcial.

FEATURED STORIES

Marami kasing mga fans ang aming nakausap ang tila nabigla lalo’t matagal na umanong nasa pahayagan ang ‘protect 12’ scheme para sa mga bagong myembro ng liga.

Pero para kay Marcial, dala lamang ng kalituhan ang dahilan kung bakit hindi agad nabanggit ang mas flexible na option lalo’t may ibang koponan ang lalabing apat lang talaga ang players.

“May option talaga ang mga teams na 12 o 13. Nagkataon lang na lumabas sa media eh protect 12 lang. Alam na ng mga expansion teams yang set-up na yan, una pa lang,” dagdag nito.

Samantala, nagwakas na kaninang alas-kwatro  ang deadline para sa mga teams upang isumite nila ang talaan ng mga players na poprotektahan at hindi nila po-protektahan.

Ang listahan na ito ay hindi isasapubliko at tanging ang mga expansion teams lamang ang makakaalam.

Ito ay upang maayos na makabalik pa sa kani-kanilang mother ballclubs ang mga players na hindi mapipili ng Blackwater Sports at Kia Motors sa dispersal draft sa July 18.

“Mas mainam daw kasi na ganun para kung yung isang player hindi makuha, pwede siyang kunin ulit ng team. At least hindi nalaman nung player na nasama pala siya sa dispersal draft,” wika ng source mula sa isang team na aming nakausap.

Ang dispersal draft ay isa lamang sa mga concessions na ibinigay ng PBA Board sa dalawang expansion teams na papasok sa liga simula sa 40th season na magbubukas sa October 19.

Read Next
EDITORS' PICK
MOST READ
Don't miss out on the latest news and information.

Subscribe to INQUIRER PLUS to get access to The Philippine Daily Inquirer & other 70+ titles, share up to 5 gadgets, listen to the news, download as early as 4am & share articles on social media. Call 896 6000.

TAGS:
For feedback, complaints, or inquiries, contact us.

© Copyright 1997-2024 INQUIRER.net | All Rights Reserved