Close  

KAKAIBANG EXPANSION DRAFT

06:10 PM July 17, 2014
*/?>

Biyernes na itinakda sa PBA Office sa Libis, Quezon city ang Expansion Draft para sa mga bagong koponan na Kia Motors at Blackwater Sports.

Ang aktibidad na ito ay normal na ginagawa kapag may mga bagong miyembro na papasok.

Noong isang linggo ay matahimik nang inabot ng PBA sa Kia at Blackwater ang listahan ng mga players na wala sa protected list ng sampung existing teams.

FEATURED STORIES

Dito ngayon pipili ang dalawang koponan na idadagdag sa skeletal force na kanilang ibinubuo rin mula sa free agent market.

Linawin ko lamang po na kasali sa Expansion Draft ang mga free agents.

Ang magiging sistema ay hindi tulad nang nakasanayan nating rookie draft.

Bale hihingan ni commissioner Chito Salud ng “wish list” ang dalawang teams, kung saan direkta nang ibibigay ang mga players na hindi nila parehong itatala sa kanilang listahan.

Ang mga indentical entries ay isasalang sa Draft kung saan halinhinang pipili ang Kia Motors at ang Blackwater Sports.

Idadaan sa lottery ang first pick na maaring bunutan ng bola o toss coin.

Inaasahang pamumunuan naman ni Manny Pacquiao ang Kia Motors sa kanyang pag-assume ng kauna-unahang role bilang head coach ng koponan. (SBadua)

Read Next
EDITORS' PICK
MOST READ
Don't miss out on the latest news and information.

Subscribe to INQUIRER PLUS to get access to The Philippine Daily Inquirer & other 70+ titles, share up to 5 gadgets, listen to the news, download as early as 4am & share articles on social media. Call 896 6000.

TAGS:
For feedback, complaints, or inquiries, contact us.

© Copyright 1997-2024 INQUIRER.net | All Rights Reserved