Close  

VERSATILE PLAYER INAALOK SA IBA

06:13 PM July 17, 2014
*/?>

Balisa ngayon ang isang player matapos makarating sa kanyang kaaalaman na may ilang buwan na pala siyang inaalok ng kanyang koponan sa ibang teams.

Pero payo nga sa kanya ng mga kaibigan, pag-igihan ang paglalaro sa bagong hamon ng kanyang karir upang tumaas ang kanyang stock.

Hindi malayong ma-trade ang player na ito dahil may matagal na pala siyang alitan sa isang kakampi, kahit noong sila ay nasa ibang team pa.

FEATURED STORIES

Sa ngayon ay wala pang team ang willing sumugal sa player na ito na galing sa injury, pero nagpapakita na muli ng flashes of his old brilliance.

Malamang, isang karibal na kumpanya ng kanyang dating team ang kumuha sa player na ito lalo’t very versatile para sa kanyang height ang mama.

***

Ongoing pa rin hanggang sa huling araw ng buwang kasalukuyan ang pa-contest ng bagong PBA team na KIA Motors.

Ayon sa Columbian Autocar Corporation president na si Ginia Domingo, libo-libong entries na ang kanilang natanggap at hinihintay pa nila ang additional inputs mula sa iba pang fans.

“We want to make the fans enjoy our team by becoming a part of it,” wika ni Ginang Domingo.

Bahagi umano ng plano para mag generate ng awareness sa kanilang pagsali sa Asia’s first play for pay league ang pa-contest na mamimigay ng five-day trip to Los Angeles sa maswerteng mapipili.

Kinakailangan lamang mag-isip ang mga partisipante ng magandang monicker na gagamitin ng Kia Motors sa kanilang koponan, na siya na mang bibitbitin ng team sa kanilang PBA campaign simula sa 40th season na bubuksan sa October 19.

Wala kailangang bilhing produkto ng Kia, importante lamang na mag log-in ang isang contestant sa website na https://www.nameteamkia.com/ at fill-up-an ang mga entries.

“They just have to log in sa website, tapos they have to really think of a name, kasi once na mayroon nang nauna na nag input sa entry mo hindi na tatanggapin ng system,” ayon kay Domingo.

“We have more than a thousand entries na. And all of it are unique,” dagdag pa nito.

“So kailangang mag-isip talaga sila and they have exactly two more weeks to do that,” sabi pa ni Ms Domingo.

Read Next
EDITORS' PICK
MOST READ
Don't miss out on the latest news and information.

Subscribe to INQUIRER PLUS to get access to The Philippine Daily Inquirer & other 70+ titles, share up to 5 gadgets, listen to the news, download as early as 4am & share articles on social media. Call 896 6000.

TAGS:
For feedback, complaints, or inquiries, contact us.

© Copyright 1997-2024 INQUIRER.net | All Rights Reserved