Close  

NAKAIPON PA SANA; TICKETS SA OPENING LABAS NA SA OCT. 4

05:06 PM October 02, 2014
*/?>

PBA Molten BALL_header

Matindi pala ang agent ng isang player na ito, dahil hindi lang career kundi pati bank account ng kanyang alaga ay kontrolado nito.

Hindi matiyak kung bakit hinahayaan ng pobreng player ang kanyang agent na humawak ng kanyang checking account sa Allied Bank.

Buti na lamang umano at bahagi ng isang nagpapanalong team si player dahil may nakukuha siyang pantutos sa kanyang araw-araw na gastusin.

FEATURED STORIES

Kailangan pa raw kasing magpaalam si player sa kanyang manager sa tuwing gagalawin ang kanyang bank account.

Kung susumahin, pihadong malaki-laki na ang pera sa bangko ng magilas na player na ito dahil tumanggap siya ng P150,000 a month noong 2011, tapos ay umangat ito sa P225,000 nang sumunod na taon, bago ito naging P350,000 last season.

Mas magiging malaki ang buwanang pera na papasok kay player dahil tatanggap na ito ngayon ng maximum na P420,000 kada buwan.

Kaya’t panalangin ng mga taong close sa player, sana’y hindi nagagalaw ni manager ang kanyang pera na pinaghihirapan at pinagpapawisan sa ensayo at laro.

* * *

Pinapurihan naman ni Alliance of Boxing Assocations of the Philippines (ABAP) president Ricky Vargas ang PBA Board dahil sa pagbyahe ng mga ito ng tatlong oras mula Seoul patungong Incheon para magbigay suporta sa Philippine boxing team na sumasabak sa aksyon ng Asian Games.

Bukod pa rito, hindi rin masukat ang kasiyahan ni Ginoong Vargas, Governor din ng Talk n’ Text Tropang Texters sa PBA, dahil hindi na inalintana ng 12-man PBA Board kasama sina commissioner Chito Salud at Chairman Patrick Gregorio ang pagpwesto sa bleachers para lamang magpakita ng suporta.

“Salamat sa PBA sa inyong suporta. Tunay kayong mga sportsmen. Ang laking bagay ng inyong pagpunta para sumigaw sa ating mga boxers,” added Vargas.

Full force ang PBA Board, na ngayo’y nasa Korea para sa tanunang pre-season planning session, kung saan andun sina Robert Non (San Miguel), Rene Pardo (San Mig), Erick Arejola (GlobalPort), Manny Alvarez (Barako Bull), Alfrancis Chua (Ginebra), Dickie Bachmann (Alaska), Al Panlilio (Meralco), Atty. Mert Mondragon (Rain or Shine), Silliman Sy (Blackwater), Ginia Domingo (Kia) and Ramoncito Fernandez (NLEX).

Naroon din ang PBA Management Committee (ManCom) na kinabibilangan nila Willie Marcial (Special Assistant & Media Bureau chief), Rickie Santos (Operations Director), Odessa Encarnacion (Finance Manager), Rhose Montreal (Business Development Director) and Melvin Mendoza (Legal Counsel).

Para kay ABAP executive director Ed Picson, malaking bagay ang ginawa ng PBA dahil nakatulong ito para i-boost ang morale ng mga Pinoy boxers, na ang apat ay pumasok na sa semis para sa sure bronze.

Ang mga boxers na nasa semis na at nabigyan ng wild cheer ng PBA officials ay sina middleweight Wilfredo Lopez, bantamweight Mario Fernandez, light flyweight Mark Anthony Barriga at lightweight Charly Suarez.

* * *

Simula sa darating na October 4, maari nang bumili ang mga fans ng tickets para sa historic PBA 40th season opening na gaganapin sa kabubukas lamang na world’s biggest na Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Tiyak na magiging mainit ang bentahan sa tickets dahil rarampa sa opening ceremonies ang labing dalawang teams ng liga, kasama na ang expansion teams Blackwater Elite at Kia Sorento at newcomer NLEX Warriors.

Hindi rin maikakaila ang curiosity factor ng first day ng PBA 2015 season dahil maraming fans ang magnanais maging bahagi ng first ever commercial activity sa Philippine Arena, ang pinakamalaking domed structure sa mundo.

Halos tatlong beses ang laki ng Philippine Arena sa nakasanayan na nating Smart Araneta Coliseum, dahil kaya nitong magpapasok ng hanggang 55,000 spectators.

Maaring mag purchase ng ticket online sa pamamagitan ng www.ticketnet.com.ph o sa kahit na saang outlet ng Ticketnet.

Read Next
EDITORS' PICK
MOST READ
Don't miss out on the latest news and information.

Subscribe to INQUIRER PLUS to get access to The Philippine Daily Inquirer & other 70+ titles, share up to 5 gadgets, listen to the news, download as early as 4am & share articles on social media. Call 896 6000.

TAGS:
For feedback, complaints, or inquiries, contact us.

© Copyright 1997-2024 INQUIRER.net | All Rights Reserved