Close  

COACH YENG COAXES CHAN TO FIND HIS SHOT

02:55 PM December 19, 2012
*/?>

“JEFF (Chan), you have to shoot out of that shooting slump… or just shoot yourself in the head.”

Ito ang pabiro subalit malaman na mensahe ni Rain or Shine Elasto Painters Coach Yeng Guiao sa kanyang prized shooter.

Sa nakalipas na apat na laro ng Rain or Shine, talagang sadsad ang offensive performance ng Gilas Pilipinas sniper.

FEATURED STORIES

Batid ni Guiao na mahihirapan silang sumabay sa semifinals rival na San Mig Coffee Mixers kung hindi sisiklab ang shooting ni Chan.

“We need your outside shots, Jeff. Huwag kang matakot. Basta’t libre or you feel like shooting (the ball). Do it,” Sambit ni Guiao sa dating FEU Tamarraw.

Samantala, hiya at kamot sa ulo naman ang naging tugon ng Bacolod bomber sa pag single out sa kanya ng fiery coach sa practice.

“Nahiya talaga ko at the same time natutuwa ako kasi despite ng slump ko, yung tiwala niya andun pa rin,” sambit ni Chan.

Pero nang tanungin ng pba.ph kung ano ang paliwanag niya sa mababang laro, nahirapang sumagot si Chan: “Hindi ko alam eh. Siguro nangyayari talaga ito. Kailangan ko lang talaga na hanapin ulit yung range ko and find a way na maibalik ito”.

“Kung hindi ko maibabalik ang sarili ko sa first game ng semis, siguro sa Game 2. Basta, babawi at babawi ako.”

At sa tanong din ng marami kung na-check na ba ang laro ni Jeff Chan, mabilis na tumugon ang 29-year-old 3-point specialist: “Ay hindi. Slump lang talaga to!” (RJ)

Read Next
EDITORS' PICK
MOST READ
Don't miss out on the latest news and information.

Subscribe to INQUIRER PLUS to get access to The Philippine Daily Inquirer & other 70+ titles, share up to 5 gadgets, listen to the news, download as early as 4am & share articles on social media. Call 896 6000.

TAGS:
For feedback, complaints, or inquiries, contact us.

© Copyright 1997-2024 INQUIRER.net | All Rights Reserved