Quantcast

3 NEW TEAMS SASABAK SA PBA D-LEAGUE

By

Tatlong bagong koponan ang makikigulo para sa korona ng 2013 PBA D-League Foundation Cup na sisimulan sa San Juan Arena sa darating na Marso a-dose.

Pamumunuan ni longtime basketball benefactor Dennis Pineda ang lupon ng mga bagong team owners.

Bibitbitin ni Pineda ang Pampanga team, na maaring tawaging EA Regenerative Medicine, depende sa magiging approval ng Bureau of Food and Drugs at Department of Health.

Puno ng mga kilalang players mula sa San Sebastian Stags ang koponan ni Pineda, na dating mayor ng Lubao at ngayo’y tumatakbo bilang Vice Governor ng Pampanga.

Sa ngayon ay sinisikap ni Pineda na makuha mula sa 4-peat champions NLEX Road Warriors ang kanyang prized center na si Ian Sangalang.

Ang 6-7 slotman na si Sangalang ay matagal nang alaga at discovery ng Pampangueno sports patron.

Sa ngayon ay nagsumite na ng dokumento ang NLEX ukol sa existing contract sa kanila ni Sangalang.

“Na-i-submit na naming kay Commissioner yung copy ng kontrata niya (Sangalang) sa amin,” wika ni Ronald Dulatre, team manager ng NLEX.

Ngunit kung ang mga naisumiteng mga dokumento ay papasa kay Commissioner Chito Salud bilang valid contract ay hindi pa malaman ng Frost Byte.

Maliban sa team Pampanga ni Mayor Pineda, magpapasok rin ng panibagong prangkisa ang Hogs Breath Café at Jumbo Plastic.

Dahil dito, lumobo na sa labing dalawa ang bilang nga mga koponan sa PBA D-League, ang numero unong amateur league sa bansa.

Bukod sa tatlong bagitong teams na nabanggit, magtatangka ring pigilang makalimang sunod na championship ang NLEX ang mga datihang D-League clubs na Big Chill, Blackwater, Boracay Rum, Cagayan Valley, Cebuana Lhuillier, Cafe France, Fruitas Shakers at Informatics.

Gaya ng dati, umaasa si PBA D-League tournament supervisor Eric Castro na mapupuno muli ng maiinit na aksyon ang ikalimang kumperensya ng liga.

“With the new teams coming in plus the holdovers, mas maraming challenge, at mas maraming madidiskubreng talent,” pagsasara ni Castro.

Follow Us


Other Stories:

Recent Stories:

Complete stories on our Digital Edition newsstand for tablets, netbooks and mobile phones; 14-issue free trial. About to step out? Get breaking alerts on your mobile.phone. Text ON INQ BREAKING to 4467, for Globe, Smart and Sun subscribers in the Philippines.


Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of INQUIRER.net. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

  • carlo

    cool. hopefully good players ang mga sasali hindi puro yabang. :) I still go for NLEX xD

  • nonoy2197

    3 smc teams from pba (to re-evaluate their participation), 3 new teams to the pba d-league. ayos na ayos. something is about to happen… ha ha ha!

Copyright © PBA

To subscribe to the Philippine Daily Inquirer newspaper in the Philippines, call +63 2 896-6000 for Metro Manila and Metro Cebu or email your subscription request here.

Factual errors? Contact the Philippine Daily Inquirer's day desk. Believe this article violates journalistic ethics? Contact the Inquirer's Reader's Advocate. Or write The Readers' Advocate: c/o Philippine Daily Inquirer Chino Roces Avenue corner Yague and Mascardo Streets, Makati City, Metro Manila, Philippines Or fax nos. +63 2 8974793 to 94



Click Here for Lyrics