Quantcast

PACMAN SASALI NA SA ROOKIE DRAFT

Nakatakda nang magsumite ng kanyang aplikasyon sa PBA Rookie Draft si Pinoy ring sensation Manny Pacquiao.

Ayon sa team manager ng Kia Motors, kung saan siya ay pinangalanan nang head coach, hinihintay na lamang niya ang hudyat ni Pacman para kanya nang isumite sa PBA Commissioner’s Office sa Libis, Quezon City ang Draft application nito.

“Hawak ko na yung papeles niya. Magpapa draft na siya. Sasali na siya sa Draft,” wika ni ginoong Eric Pineda.

“Oras na sabihin na niyang ipapasa ko ito, dadalhin ko na,” dagdag ng Kia Motors team official.

Kwento ni Pineda, nagdesisyon si Pacman na magpa-draft na matapos ang kanyang two-week vacation sa Israel at Europe at matapos rin umano ang naging pulong nito kay PBA commissioner Chito Salud.

Si Pacquiao ay mayroong hanggang August 13 para pag-isipan kung itutuloy ang Draft plans, na nag-iisang paraan para makalaro siya sa Asia’s first play for pay league.

Ang mga Fil-foreign applicants ay mayroon namang hanggang July 8 para magsumite ng aplikasyon kasama na ang kanilang mga dokumento mula sa Bureau of Immigration at Department of Justice.

Para matupad ang pangarap ni Pacquiao na maging playing coach ng Kia, kinakailangang makuha siya sa Draft ng Columbian Autocar Corporation, na maaring mangyari sa 11th o 12th pick, depende sa magiging resulta ng lottery nila ng isa pang expansion team na Blackwater Sports Elite.

Sa edad na tatlumpo’t apat, masasabing si Pacquiao na ang magiging oldest applicant sa pool na kabibilangan rin nina former NBA prospect at Fil-American guard Stanley Pringle at mga Gilas cadets na sina Kevin Louie Alas, Garvo Lanete, Jake Pasucal, Matt Ganuelas at Ronald Pascual.

Bukod sa listahang ito, maari ring makigulo sa August 24 Draft ang mga collegiate at amateur stars na sina Jericho Cruz at John Borondial (Adamson), Clark Bautista (UST), Raul Soyud (UP) at Ateneo guard Juami Tiongson.

Sinasabing mag-aaply na rin sa Draft sina amateur prospects na sina Brian Heruela and Richard Smith.

Follow Us


Other Stories:

Recent Stories:

Complete stories on our Digital Edition newsstand for tablets, netbooks and mobile phones; 14-issue free trial. About to step out? Get breaking alerts on your mobile.phone. Text ON INQ BREAKING to 4467, for Globe, Smart and Sun subscribers in the Philippines.


Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of INQUIRER.net. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Copyright © PBA

To subscribe to the Philippine Daily Inquirer newspaper in the Philippines, call +63 2 896-6000 for Metro Manila and Metro Cebu or email your subscription request here.

Factual errors? Contact the Philippine Daily Inquirer's day desk. Believe this article violates journalistic ethics? Contact the Inquirer's Reader's Advocate. Or write The Readers' Advocate: c/o Philippine Daily Inquirer Chino Roces Avenue corner Yague and Mascardo Streets, Makati City, Metro Manila, Philippines Or fax nos. +63 2 8974793 to 94



Click Here for Lyrics